Bayanihan

Lyrics: Christian Dumaplin Music: Christian Dumaplin BAYANIHAN Limang daang taon lumipas ating nakamtan Tagumpay ng Pilipino sa laban ng Mactan Limang siglong nakaraan natin natutunan Tunay na kahulugan ng bayanihan Pre chorus: Dito nasusukat, tapang na walang katulad Bayani rin pala tayong lahat Chorus: Kasangga mo’ng Pilipino, ano mang lahi mo Kasangga mo’ng Pilipino, ano mang laban mo Sa Timog o Silangan, Hilaga o Kanluran Dito maasahan.... ang aming inang bayan Halina’t ibahagi, ating anyo’t antas Ating ipamalas handog ng, Pilipinas Kasama ang buong mundo, ating mababakas Pag magkakasama ay may taglay na lakas Pre chorus: Dito nasusukat, tapang na walang katulad Bayani rin pala tayong lahat Chorus: Kasangga mo’ng Pilipino, ano mang lahi mo Kasangga mo’ng Pilipino, ano mang laban mo Sa Timog o Silangan, Hilaga o Kanluran Dito maasahan.... ang aming inang bayan Chorus: Kasangga mo’ng Pilipino, ano mang lahi mo Kasangga mo’ng Pilipino, ano mang laban mo Sa Timog o Silangan, Hilaga o Kanluran