Alab Ng Puso

Lyrics: Ferdinand Aragon Music: Ferdinand Aragon ALAB NG PUSO WORDS AND MUSIC BY FERDINAND ARAGON
Alab ng puso Sa dibdib ko'y buhay Hinding-hindi sumusuko Sa hirap ma't lumbay
Sa mga manlulupig Hindi pasisiil Duyan ng magigiting Hindi pa-aapi
Kabutiha'y batid Limanda'n mang taon Ng daluyo't yanig Tayo'y bumabangon
Iisang puso pa rin Iisang alab sa dilim Iba't-iba man ang mga bituin Sa iisang kalawakan magniningning Magkahawak-kamay sa lilim ng bughaw na langit Umaawit
Mabaon man sa putik Matapos ang bagyo Lahat magkakapit-bisig Patuloy na sumusulong
Iisang puso pa rin Iisang alab sa dilim Iba't-iba man ang mga bituin Sa iisang kalawakan magniningning Magkahawak-kamay sa lilim ng bughaw na langit
Ug magapabiling (at mananatiling) Dili magpapildi (hindi magpapatalo) Dungga ning awitong (dinggin ang awiting) Dili mapahilom (hindi mapapatahimik)
Iisang puso pa rin Iisang alab sa dilim Iba't-iba man ang mga bituin Sa iisang kalawakan magniningning Magkahawak-kamay sa walang hangganang langit Umaawit