Lyrics: Noel Gamboa Music: Noel Gamboa Giliw
Nais ko sana'y malaman mo Alaala ka tanging giliw ko Awit ng puso'y pakingan mo Masdan mong nanabik Umiibig sayo
Kaylan pa malilimutan ka Kung sigaw ang ngalan mo sa tuwitwina At tuwing lumalalim ang gabi Tinig mo'y maririnig At makikita ka
Giliw san ako patutungo Kung walang pagibig mo Ang pangarap ko'y makapiling ka muli
Pano ka malilimutan pa Kung laman ng isip ko'y iyong ganda At tuwing lulubog na ang araw Mata ko'y pumipikit Dalangin ay ikaw
Giliw san ako patutungo Kung walang pagibig mo Ang pangarap ko'y makapiling ka muli Giliw san ako patutungo Kung walang pagibig mo Ala ala ka pagkat mahal kita Giliw