Lyrics: Eugene Dela Cruz
Music: Eugene Dela Cruz
Malalim ang iyong mata na tila ba nakadungaw sa bintanang diretso sa kaluluwa
ang boses mo na naririnig ay parang kantahan ng anghel na nagsasaya
Kaya sinta, wag magalala.
Ang rosas saking kamay, sayo lang iaalay.
Ngunit ngayon....
Ang malalim mong mga mata ay napupuno na ng mga luha
ang awit mo na naririnig ay parang iyakan ng anghel na nagluluksa
Pero sinta, wag mangangamba. Matatapos din ang pagalala.
Nandito ako, aalalayan ka, magpupunas ng iyong luha
Pagka't ikaw ang rosas ko na namukadkad sa gitna ng mga damo
at kahit pa ilang beses matusok sa pagibig mo
ikaw parin ang tanging yayakapin ko
Malalim ang iyong mata na tila ba nakadunga sa bintanang diretso sa puso ko.