Lyrics: Joshua M. Ortiz/Aniceto Cabahug III
Music: Aniceto Cabahug III/Joshua M. Ortiz
Hating gabi, nagsasayaw
Habang tinatanaw ang kawalan
Isipang lutang sa saya
Dinuduyan ako ng 'yong mga mata
Ref:
At kung saan-saan pa tumungo
Wala namang napala
At kay tagal-tagal kong hinanap ang dulo't simula
Ng Bahaghari, nariyan ka lang pala sa 'king tabi
Verse 2:
San-san napadpad
Mundo'y nilipad
'Di ko nadama, kaagad
Sa mga yakap mong
May pagpanggap
Nakita rin
Kita , kita (see) x2
(Instrumental)
Refrain 2:
At sa pitong bilyong mga Tala
Merong iisa
Kung sino pa'ng 'di mo inaakala
Siyang karugtong mo pala
Sa'yong Bahaghari
Nariyan ka lang pala sa 'king tabi