Lyrics: John Syrone Elesterio
Music: John Syrone Elesterio/Abul Mangondaya/Mark Kenneth Ramos
Nung makita kita tila ba balisa
Gusto kong mag tapat sayo
Natatakot lang baka tanggihan mo na
Diko mapigilan ang sarili ko
Magka gusto sayo
Sana'y bigyan ng lakas ng loob
Para ibulong sayo
Ang aking nararamdaman
Sa ngayon wala pang tiyempo
Na totorpe lang sayo (Owoahh..)
Hindi ko alam kung pano ko ba
Sasambitin tong nararamdaman
Ang hirap pala sa pakiramdam
Tipong sa tingin lang kita kayang ligawan
Kase para sakin napaka labo
Diko magawa sayo na aminin to
Tinaaman ng sobra
Kaso walang lakas ng loob
Ako ay torpe sayo
Pano kaya ako mapapansin
Kung puro ligaw tingin
Laging hiling walang magawang paraan
Para ako'y iyong lingunin
Sana ay dinggin
Aking mga panalangin
Na sana ay mapasakin
Binulong sa hangin
Na sana'y balang araw
Gustuhin mo rin na kilalanin
Pwede mo bang saluhin
Kung sakaling masabi ko
Di mo man maramdamang importante to
Ang mahalaga sa akin padama sayo
nakakalito
Meron bakong pag asa o tiyansa
Kase gusto kong ikaw ang makasama
Kung palarin man hanggang sa dambana
Kaso ang lahat malabo yata
Kasi kinakabahan na aminin
Baka kaliktaran ang sapitin
Kaya palihim kang pipiliin
Kasi ayaw ko naman itong pilitin
Hihintayin ko nalang
Na dumating ang panahon
Na baka sakali ay don
Mo na malaman na merong ako
Na naghihintay lang ng pagkakataon
Kase nais makapasok sayong puso
Kaso nga lang malaman
Kung ako ba ay yong papaniwalaan
Lalo kapag nandyan kana
Ay natataranta
Langya naman ako ay
Dina makapag salita
Tapos sasabihan moko
Na sabay na tayong
Umuwi pagka galing sa iskwela
Sakin di na bago
Kase gusto ko rin naman na
makasama kita
Kaso nga lang
Hindi ko alam kung pano ko ba
Sasambitin tong nararamdaman
Ang hirap pala sa pakiramdam
Tipong sa tingin lang kita kayang ligawan
Kase para sakin napaka labo
Diko magawa sayo na aminin to
Tinaaman ng sobra
Kaso walang lakas ng loob
Ako ay torpe sayo
Hindi ko alam kung pano ko ba
Sasambitin tong nararamdaman
Ang hirap pala sa pakiramdam
Tipong sa tingin lang kita kayang ligawan
Kase para sakin napaka labo
Diko magawa sayo na aminin to
Tinaaman ng sobra
Kaso walang lakas ng loob
Ako ay torpe sayo