Lyrics: Timothy Gesilva
Music: Timothy Gesilva
MANDIRIGMA
Mula nung itong pandemya
Natutong magtinda natutong magtanim
Muntik mawalan ng pag-asa
Pero nakahanap paraan 'di 'to basta basta
Pandemya na, bumagyo, bumaha
Lumindol pa ng walang sawa
Ang dami pang pasaway
Nagkukumpulan pa naloko na
Buhay ka pa
Naka ilang kapit sa patalim
Buhay ka pa
Kasi ka'y mandirigma (ginawa kang mandirigma)
Naging kang mandirigma
Mula nung itong pandemya
Kinuha sa'kin ang mahal sa buhay
Muntik mawalan ng pag-asa
Pero nakahanap diskarte ngayon ok na
Pandemya na, bumagyo, bumaha
Lumindol pa ng walang sawa
Yung ayuda nagkukulang
Ninakawan ka pa ata langya
Buhay ka pa
Kumakapa sa dilim
Buhay ka pa
Kasi ka'y mandirigma (ginawa kang mandirigma)
Naging kang mandirigma
Mandirigma
Mandirigma
Mandirigma
Ako ang sundalo mo hinding hindi papatalo ito
Ako ang sundalo mo hinding hindi papatalo ito
Salamat sa bayanihang ito
Kahit p'ano natatawid na
'Di pa tapos ang laban na 'to
Wala nang pahinga (o nako!)
Buhay ka pa
Ilag ng ilag sa mga sakit
Buhay ka pa
Iwas ng iwas 'wag magka-dikit
Buhay ka pa
Kasi ka'y mandirigma (ginawa kang mandirigma)
Naging kang mandirigma
Mandirigma
Mandirigma
Mandirigma
Ginawa kang mandirigma!
Naging kang mandirigma!