Lyrics: Ron Benedict Manalo Music: Sonny Magallano/Ron Benedict Manalo/Louie Rivera Chorus
Sa pinagmulan di babalik Sa pangarap ay nasasabik
Naaatat na sa makakamit Kasama tunay ko naka dikit
Yeah. Lagi kong ginagalingan Ayokong mabigo matulad pa sa iba jan .
Pasensya na kung minsan di kayo mapag bigyan . Inuuna ang sarili ayaw mapag iwanan .
Yolab Verse
At sino ba ang ayaw sa buhay na maganda . yung hirap at sakit tila di ko ininda .
Lumayo sa mga tropang pwede kong ikasama . Dahil may pamilya na nag aantay sakin bilang ama .
Kaya kahit na ano mang pasakit pa Dapat mas tibayan bawasan mo yang iniinda .
Minsan mapipikon mapipiga mauubos yung natitira . Pero alam kong kaya mo basta may pag ibig ka
Dahil walang hindi kayang lampasan Bitawan ang mabigat sa dibdib mo ng gumaan
Mga problema moy wag na wag mong takbuhan Harapin dahil ang kaylangan dyan ay palagan
Pagkat kayang kaya Wag lang mawawalan ng pananampalataya
Makakaraos den sa kahirapan at lalaya Mag tatagumpay den sa buhay ng hindi nandaya
Chorus
Sa pinagmulan di babalik Sa pangarap ay nasasabik
Naaatat na sa makakamit Kasama tunay ko naka dikit
Yeah. Lagi kong ginagalingan Ayokong mabigo matulad pa sa iba jan .
Pasensya na kung minsan di kayo mapag bigyan . Inuuna ang sarili ayaw mapag iwanan .
Jekkpot Verse Akoy mapapatawad niyo pa ba Kung sabihin kong sa dati ay ayoko na
Ang makita si ina halos makuba na At makita ng anak nya ko ang ina nya nag ka uban na
Kaya pasensya na gang dito muna ulet Pag maayos na lahat asahan niyo na babalik
Akong mas makulet mas mabait walang sakit Mas malupet na kwento pa sakin ang inyong maririnig
Tapos tawanan ulet pag saluhan natin kung ano ang nakamit
Humawak ng mahigpit sa isat isa sulitin natin bawat saglit
Kaya wag ka ng mag isip magpalamon sa sistema na nakakainggit
Kaya ibigay mo lang ang yong best kampay kitakits sa finals ulet .
Chorus
Sa pinagmulan di babalik Sa pangarap ay nasasabik
Naaatat na sa makakamit Kasama tunay ko naka dikit
Yeah. Lagi kong ginagalingan Ayokong mabigo matulad pa sa iba jan .
Pasensya na kung minsan di kayo mapag bigyan . Inuuna ang sarili ayaw mapag iwanan .
Ako parin naman yung dati nagbago lang ng konti yung gustong galawan Umiwas sa bagay na walang katuturan Kasalanan mo ba kung ikay natuto nalang
Ganun yata talaga Pag dika na namamanipula Pati yung pagabante moy minamali nila
Minamata samut sari na pang aalipusta Ang mahalaga may pagibig kapa na nadarama Gawin mong inspirasyon ang mga nangyare sa
Buhay mo pagkat meron rason kung bat nadarapa Minsan kailangan mong daanan lahat yan para sa susunod na hamong mabigat ikay nakahanda
Merong mawawala pero may papalit Karanasang magpapatibay sayong pagbalik Ganun talaga minsan mapait Pagtapos nyan may tagumpay ka ring makakamit