prinsesa

Lyrics: Kenaniah L. Lambio Music: Kenaniah L. Lambio Binibining balingkinitan Ako’y walang kapangyarihan Laban sa iyong mga mata Hala parang ako’y nahulog na
Handa ako na manilbihan Hindi ko na pag-iisipan pa ‘Di pagsisisihan Kahit minsan Pangako ‘yan hindi mag-iiba
Oh nasisilaw ako Sa kagandahan mo Ikaw ang perpekto
Ang pangalan mo Ang kalakasan ko ‘Wag kang lalayo ‘Wag kang lalayo
Ang pag-ibig ko lang Ang nais kong maranasan mo Maranasan mo Para lang sa ‘yo O prinsesa ko
Nilibot ang kapaligiran ‘Di talaga maikukumpara Ikaw sa kanila Lahat ay tulala Kahit na wala ka pang ginagawa Yeah
Sige turuan mo ‘kong sumayaw Sabay ang katawan sa paggalaw Kathang-isip Pa-panaginip Bigla-bigla ka na lang lilitaw
Oh ang pagtawa mo Nahahawa ako Ikaw ang lunas ko
Ang pangalan mo Ang kalakasan ko ‘Wag kang lalayo ‘Wag kang lalayo
Ang pag-ibig ko lang Ang nais kong maranasan mo Maranasan mo Para lang sa ‘yo O prinsesa ko