Music: Og Sacred/Nookie/Apoc/Pistolero/Mighty joe young/Gerardo/STPHN/K-leb
Para sa mga naniniwala sa amin ahh yeah
Para sa mga kosang kasama palagi
Para sa bumitaw sa pagkakahawak sa tali
Ano man ang mangyare kukuhanin namin kung ano ang nararapat para samin
Isa itong pagpupugay sa mga tunay na umagapay,
Sila ang lumilikod pag pagod non palakpak ay di pa bagay,
Non may duda't alinlangan kailangan ko ng sandalan
Nag abot kayo ng bangko at pinaupo tuloy ang laban,
Kaya di ko titigilan mas lalong panggigigilan
Parang yakap ko kay nanay non bago pa sya lumisan
Bahagyang lundag na lang may ilang hakbang na lang
Maisasampal na sa pinagmukha akong timang
Lahat ng dumating di ko palalampasin
Parang guwardang mahigpit na di kayang sindakin
Ipagpatawad kung ito ang napiling mahalin
Patawad din sa nainis lalo ko lang gagawin
Alam ko din naman nagdasal ka para dito
Pero may lagda ng lumikha itong tono
Punong puno ako ng letra at istorya
Pininta ng puso at musika aking canvas
Para sa mga naniniwala sa amin ahh yeah
Para sa mga kosang kasama palagi
Para sa bumitaw sa pagkakahawak sa tali
Ano man ang mangyare kukuhanin namin kung ano ang nararapat para samin
Itong kantang ito ay inaalay ko sa mga sumuporta nagtiwalat naniwala
Humiling na matupad ang mga tala
Balang araw pagpalain ni bathala
Ang byahe koy di madali
Di ko rin minadali
Paulit ulit man akong maligaw lagi kong pipiliin na makabalik,
Maraming hudas na gustong humalik,
Pero pisngi koy puno ng tinik
Di sila makatagos kahit na anong gawin nila di sila makadikit
Bitbit ko aral sa bawat pagsubok at pagkabigo
Nararamdaman ko na panghinaan pero ni minsan di huminto
Di ako pwedeng tumigil kahit sampung beses nila ko pagsaran ng pinto
Darating din ang pagkakataon na mas kikinang pa ko sa mga ginto
Kahit batid mo na sobrang bigat di ka pwedeng sumuko
Sapat ng matuto sa mga nagturo,
Mas lalong dumunong galawang marunong,
Deretso ng gulong wala ng uurong, salamat sa lahat ng mga tumulong
Pangako kayo ay makakasiguro.
Na pag naabot ko na ang tagumpay,
Lahat isasama ko hanggang sa dulo
Para sa mga naniniwala sa amin ahh yeah
Para sa mga kosang kasama palagi
Para sa bumitaw sa pagkakahawak sa tali
Ano man ang mangyare kukuhanin namin kung ano ang nararapat para samin
Dahil sa mga naniniwala nangyare ang impossible
Yun G naging rapstar og galing kalye,
Tinatak ang name naging highest paid sa game
Indie pero indemand sa asset kinonvvert ang fame,
We talking business right
Pasarapan ng life gumawa ng M na di hinype show kada flight,
Yeah ako ang real deal dito
Hindi nagpakabaduy matanggap lang ng tao,
Dalawang dekada mahigit na ako tid
Sa mga era tumawid maraming di nakabatid
Saking pwesto laging young at fresh to
Pantasya ng tita niyo n crush ng mga ex niyo haha
Sakin prime namatay ang kompitisyon
At naging inspirasyon ginawang tunay ang ilusyon,
Antas aking tinaas madami man ng di umamin,
Sa tagal ko dito dami pa din bago tingin sakin.
Para sa mga naniniwala sa amin ahh yeah
Para sa mga kosang kasama palagi
Para sa bumitaw sa pagkakahawak sa tali
Ano man ang mangyare kukuhanin namin kung ano ang nararapat para samin