Go Bwoi

Lyrics: Lou Ashley Gonzales Isidro Music: Lou Ashley Gonzales Isidro Simula palang lahat ng to hindi pa finale, di pa kampante ang utak pag la pang perang madami Ibang iba tinahak kumpara mo saking kaklase, hindi mo na ko madale hindi na ko gaya dati
Balang araw lilipad parang kalapati, dama mo saking enerhiya alam mong ibang klase Sariling katauhan ko ako lang may ari, di mo pwedeng ikumpara di mo alam saan yari yeah Sinisiga kapalaran dinadaya **** you mean, ako’y malaya di ako pangkaraniwan parang maya
Spittin fayah sa mukha ng mga baboy at buwaya Lahat yan may sungay, balian ng sungay Di ka sigurado, lahat yan may sungay Tinatagong kulay, boring lang sa buhay gustong maglibang, gustong maglibang Lahat yan may sungay, lahat yan may sungay yeah
Ayos lang din masawi, sumusuway noon pag sinabihang wag magpagabi Noong bata pa ko gusto kong magmadali, ngayon ang daming isipin hindi mapakali Masyado nang malayo pano pa ko uuwi, ayoko lang masayang aking bawat sandali Sawa na at pagod na rin ako kakahikbi, sagana lang yung isip sa pagtataka
Gusto kong masagot bago pa ko mabura (mabura), hindi to sinungaling tignan mo ko sa mata Handa ka ba na malimutan ka nila Yeah, bago dumating magkukulong ako sa kwarto tapos smoke Aye, malayo ang tinatanaw sa langit nakascope Iwan lahat sila lalo pag akoy nasa zone di ko hinayaan ang sarili makahon, wag mo na pigilan ang sarili tumalon
Parang panaginip di ko lubos na maisip Seryoso lang sa buhay mga tao sobrang init, di na sa pinto pa ng iba ko maiipit Kita sa labasan araw araw bumibirit, bigla nalang nagbago pangyayari pati ihip Mahiwagang butas ay nasilip, di nyo mahulaan lahat sirit, nagdudugo ma utak sumisirit Sakupin ang mundo yeah **** i mean it, nakatingin ka di mo man aminin Nakaabang ka rin sa sasabihin, musika ang kausapin para ako’y makapiling