Lyrics: Joe Marie Punzalan
Music: Joe marie Mercado Punzalan/Richard Ambeguia Mortel Jr
Verse 1
Hanggang san ka dadalin ng 'yong nais marating,
Katanungan sa twing kaharap ang salamin.
Bahala na marahil hanggat may nais pang makinig sakin, maraming salamat kung sino ka man pare.
pagbati sayo, asahan mo kahit ilan lang kayo,
Tiyak Walang patapon saking linyang ibabato.
May tatamaan at paniguradong sasalo,
Nako, lalo na ung mga balahibo na kusang tatayo.
Sapat na rason na yon para magpatuloy pa,
Nais ko lang naman palayain ang kaluluwa.
Sa twing makakabuo, nakakabusog.
Dahil 'to sa laman ng saloobin papasok sa tinig, Kaya't tinitiyak ko na makakalusot ang bawat sasabihin.
Para lang to sa nakikinig, walang masamang intensyon,
katunayan nyan nagdidilig lang din ng pananim,
Hwag sanang masamain.
Hook,
Kapayapaan, Kalikasan, Kasiyahan hwag mong ilagan, diligan ang punla ng 'yong katauhan at maging isa. Oh owoah ooh oh.
Verse 2
Hindi madali gaya ng nais marating kagad,
pagkat may dapat na kapantay ang bawat magdadaang araw.
Sandaling nakaw ay kailangang sulitin nga raw,
Masunod lamang ang layaw pagkat madalang dumalaw.
Ka'y layo ng isipin pakawalan
sambit ng kausap ko sa kawalan
lasapin pansamantalang saglit lang naman,
langhapin wika ng hanging saki'y nagparamdam. uh
Ano pa nga bang gagawin, hipakin mo na yan.
libangin mo nalang, ang sarili sa tuwing mawiwindang.
Karma'y balanse kung tumimbang,
Gano ka man katulin ay kayang habulin nyan.
Maniwala ka man o hindi sayo pa rin yan tatama,
Mabuting intensyon ang syang pinagpapala.
Tanim lang ng tanim yan ang magsisilbing bala,
Tagumpay para sakin ay ang kaligayahan.
Kaya't pasamosakanila.
Hook
Kapayapaan, kalikasan, kasiyahan hwag mong ilagan, diligan ang punla ng 'yong katauhan at maging isa. Oh owoah ooh oh.
Kapayapaan, kalikasan, kasiyahan hwag mong ilagan, diligan ang punla ng 'yong katauhan at maging isa. Oh owoah ooh oh.