Lyrics: Emmanuel Sambayan Music: Emmanuel Sambayan Eh paano kung dati pa lang ay ginawa Eh paano kung di lang dito nagsimula Halika saking utak, di mapapahamak At paano kung wala ka nang magawa
"Tara na Ali, hayaan mo na dyan si Ivy bago abutan ng mga guwardya" sabi ng, mga kaibigan ko sa baba ng club, di pa ko handa pinoproseso ang nakita, buwang at tulala na
pinipigilan ang sarili dahil di katulad mo di ako bababa sa'yong lebel, tang ina mo Ngayong nahuli sa akto gusto ko'y eskandalo kaso payo sakin Diyos na lang ang bahala sayo
at ako ang Diyos, budhi ko ay itim Yung kulay na sa kamao mo lang dadamahin Maling ideya saking isip, di ko na makimkim Buti na lang andyan ang tropa para aliwin
At Henny, Cardi, Bombay, sabi ni J Kahit ano pang alak basta wasakan ay ok Kaya nilanggas aking mga natamo na sugat Pinaikot ang bilog, at ang lungkot naging halakhak
Natagpuan aming anino, pasuray-suray sa kahabaan ng Ignacia, parang merong lamay Takbong bente, alas dos trese palingon-lingon sa kalsada, at naka-berde
Di sana alak ang sagot sa ganito Pero pinalabas mo yung demonyo sa loob ko Habang binabagtas namin ang Cubao napagtanto Di napigilang maluha, paano mo nagawa sa akin ito?
Eh paano kung dati pa lang ay ginawa Eh paano kung di lang dito nagsimula Halika saking utak, di mapapahamak At paano kung wala ka nang magawa
Bago mag-uwian nabanggit ng kaibigan pwede bang umikot muna ng Sampaloc? Daanan ko lang yung tropa kasi meron siyang alok? Mahirap na, alam mo na baka biglang mag amok Tanong ko ay ano kasi medyo may kalayuan "Ali pawiin natin yang iyong nararamdaman" "Malay mo pag sinubukan mo biglang gumaan" Kaganapan sa isipan ay ating palitan
Ako ay naintriga kaya kahit alas kwatro ng umaga ay sinuong ang Fajardo at Carola bitbit ko pa yung amat, luha't mga sugat talas ng mata baka biglaang merong makatarak
Natukoy ng kaibigan kung saan ang lokasyon Bumaba sabay, kaliwaang transaksyon Pag-uwi sami'y may inabot siya ng pabulong "Pasasalamat ko sa'yo, isang memento tsong"
Nagdali-dali na kong pumanhik patungong kwarto Binubuksan ang nakabalot na parang regalo Tumambad sakin ang yelo na 3 gramo Malinaw ang grado, kahit si Darna na-engganyo
Di sana ya ba ang sagot sa ganito Pero pinalabas mo yung halimaw sa loob ko Habang hinihigop ko yung bato Merong bumubulong na tinig sa magkabilang tenga ko
β€œNatural, andyan na yang Civic na yan.. Kapitbahay ko yan e! Malamang matagal na yan dyan! What the **** is this about? The **** are you on? Nasisiraan ka na ata ng bait.”
When I see you I get all choked up inside Finally losing battle trying to keep my pride Girl you don’t know just what I’m going through Everywhere I turn, all I see is you
Today, the crystal is clear and today, I thought about killing you
Bakit mo to ginawa sa akin Akala biro lang ang dinulot mo sakin Halos di na ko makatulog di na rin matandaan kung kailan ako huling kumain
Ayoko lumabas ng kwarto Kahit kanino nasisisi Gusto gumanti at motibo na tapusin Tapos kinausap ko aking sarili
E pano kung sa bahay natin puntahan? Diba alam mo na naman yung daan? Pasok sa pangalawang palapag Huling pinto pakanan Dun na natin abangan Tas paluin mo sa tyan
Agad mo nang busalan Baka sumigaw pa yan Lason ang pag-ibig at at sa lason din sisimulang turukan sa leeg ulo hanggang katawan
teka, teka, teka, bat ba natin naiisip yan?
Gusto ko lang naman ay makalimot Lisanin ang nakaraan at pumalaot Pero pag laging sumasagi di na mapigilan parang may unos na bumabalot
sa aking utak na maselan Senaryong namuo saking isipan tila may kumakausap na naman sa kaliwa kong tenga "san ba natin hahatulan?"
Kunin ang lagari at putulin mga binti tas yung dulo ng daliri (Huh?) , hiwain mo nang maigi at sunugin, hugutin ang mga ngipin (what?) at hukayin ang hantungan, apat na dipa ang pagitan (Huwag ka nang magsalita)
para walang pagkakakilanlan magsaboy ng asin (tama na) tapos tsaka tabunan, iwanan (tama na sabi)
Ikaw na din nagsabi (Hindi) na gusto mong makaganti? (Hindi) sa may bandang ari (tama na!)
Tama na, tama na please..