Kakayanin

Lyrics: Benedict Sy/Jeremy Quintinita Music: Benedict Sy/Jeremy Quintinita Alam kong mahirap Pero ito'y kakayanin Itaob ang mga suliraning nakahain sa hapag Kapag nadapa ka tumayo at magpagpag Alam kong mahirap Pero ito'y kakayanin Itaob ang mga suliraning nakahain sa hapag Kapag nadapa ka tumayo at magpagpag Dami nang requirements ng mundo Nakakasakal Dami nang pagsubok tila para kang sinasampal Mga opisyal sa gobyerno ay ang kakapal Daming negang nakikita tila di na kaya ng dasal Oo, ang buhay ay isang sugal Oras mo ang pantaya pamatoy ay sipag at tyaga Dugo at pawis ang puhunan Ang kasipagan kalaunan ay magiging anihan Wag kang mainip Ang matagal ay magiging saglisa pag gawa at panalangin diyan ka dapat makulit Kasi wang ibang aabot ng iyong pangarap Kaya wag kang mag mukmok ang utak ituon mo sa liwanag uh Minsan gusto mo nang tapusin ang lahat Pero dapat mo rin isipin ang lahat ng iyong iiwan ay malulungkot, mahihirapan. Halika't usap tayo ng solusyon jan pare kapit lang. Alam kong mahirap Pero ito'y kakayanin Itaob ang mga suliraning nakahain sa hapag Kapag nadapa ka tumayo at magpagpag Alam kong mahirap Pero ito'y kakayanin Itaob ang mga suliraning nakahain sa hapag Kapag nadapa ka tumayo at magpagpag Alam kong mahirap galing na ko dyan At kung san san narin napadpad Buhat ang problemang pasan pasan Pero papa-san pat malalampasan din ang lahat Minsan mainam magbuhat iflex yung muscle mong bakat Walang pagsubok na madali kya nga pag subok Walang bagong saing na di mainit pag subo Ang ibig kong sbhin at ang nais kong ituro Isa kang binhi wag kang magmadali sa pagtubo Kung anumang trabaho mo ngayon at eksperto ka dyan Propesyonal ka kapatid maging basurero ka man Espesyal kang tao na merong angking galing Na kalebel ng doktor na magaling magpagaling Tiis lang muna bukas magtataka yung mga duda Kung bat biyaya moy singhaba ng pila sa ayuda Daming magtatanong sayyo pano mo nagawa yan "Eh kasi galing na ko dyan at hindi ko sinukuan" Alam kong mahirap Pero ito'y kakayanin Itaob ang mga suliraning nakahain sa hapag Kapag nadapa ka tumayo at magpagpag Alam kong mahirap Pero ito'y kakayanin Itaob ang mga suliraning nakahain sa hapag Kapag nadapa ka tumayo at magpagpag