Lyrics: Richard Mortel/Gabriel Gonzales
Music: Don Gab/RCHRD
Song Lyrics:
Don Gab 1st Verse:
Para san nga ba't 'di daw ako nagsasawa sa himig mo
Presensya lang ang tinig mo, tila sa kaulapan ako nabibitbit mo
Luhang patak ng ulan natutuyo rin pagpinainitan mo
Kape kong maligamgam ayos lang parang ikaw basta't nalalasahan kita at naamoy ko,
Ganto mo ako binubuo basag man ang tingin nila sakin yan binabato,
Tutok at nakangiti pa rin kahit na sugat sugat na isip at puso ko sa aking kasasalo
Mga salita pumapasok saking tenga,
Sa utak ko lang lagi nakatengga,
Ngiti lang balik sa kanila't sa musika ko na lang lahat idinidirekta.
RCHRD Chorus:
Kahit kailan 'di niyo maiintindihan,
Apoy sa puso at anong nilalaman
Pero kahit na, halika
Sa kanta ko ay makinig ka,
At sana'y maarok ng 'yong isip na..
Buhay ko'y pinapaikot ng musika...
(Aking iniibig, ang musika'y aking iniibig)
Musika...
(Aking iniibig).
Di na maiaalis, ang musika'y aking langis,
Na siyang nagpapaliyab saking puso't isipan kaya't 'di na maaaring maalis sakin ang Musika..
(Aking iniibig, Ang Musika, musika).
Don Gab 2nd Verse:
'Di mahalata sa mga mata,
Kung anong pahiwatig ang dinadala.
Bakit pinipilit daw ang sarili sa,
Kinakahiligan ko na musika.
'Lika aking papaliwanag isa isa,
'di pangkaraniwan 'to ibang iba.
At bakit laging sa bugso ng damdamin at sa init nito ako nagpapagisa.
Tulak ng kanyang bibig, patungi sa himig niya mula sa alapaap,
Mga alinlangan dito saking isip, masikip, pinapawi mo ng hindi alintana,
Simula ng pagkabata,
ikaw ang sumasalo sa tuwing pakiramdam ko'y nababahala.
Ikaw ang nagiisang malaking halimbawa na sistema ang kakain ng hindi labag sa tama.
RCHRD Chorus:
Kahit kailan 'di niyo maiintindihan,
Apoy sa puso at anong nilalaman
Pero kahit na, halika
Sa kanta ko ay makinig ka,
At sana'y maarok ng 'yong isip na..
Buhay ko'y pinapaikot ng musika...
(Aking iniibig, ang musika'y aking iniibig)
Musika...
(Aking iniibig).
Di na maiaalis, ang musika'y aking langis,
Na siyang nagpapaliyab saking puso't isipan kaya't 'di na maaaring maalis sakin ang Musika..
(Aking iniibig, Ang Musika, musika).
Don Gab 3rd Verse:
Ulit ulit at pabalik balik man ang kanilang negatibong mga pahayag,
Tikom lang din ang mas mainam na kasagutan
basta walang tinatapakan na sino man,
Paglaanan lang ang hilig,
di dapat sila iniintindi,
Ang liwanag mo sumisindi,
Palihim na silaban ang gasolina ng makita ang apoy na mas tumitindi.
Na magsisilbing pupukaw sa kani kanilang isip,
Ang dating laging sinisilip silip,
Tahimik, subalit umiipon ng ideya sa paligid
Pananggalang sa mga namumuna na makikitid.
Musikang sa lawak nito ay lakas loob na sinisisid,
Ipagpapatuloy ang nasimulan, at ito ang alay para sa tunog na akin iniibig.
Chorus:
Kahit kailan 'di niyo maiintindihan,
Apoy sa puso at anong nilalaman
Pero kahit na, halika
Sa kanta ko ay makinig ka,
At sana'y maarok ng 'yong isip na..
Buhay ko'y pinapaikot ng musika...
(Aking iniibig, ang musika'y aking iniibig)
Musika...
(Aking iniibig).
Di na maiaalis, ang musika'y aking langis,
Na siyang nagpapaliyab saking puso't isipan kaya't 'di na maaaring maalis sakin ang Musika..
(Aking iniibig, Ang Musika, musika).