Lyrics: Genesis Lago/Dan Gerald Saribay/Paulo Manlod/Jeremy Ganzon/Lou Ashley Isidro Music: Genesis Lago/Dan Gerald Saribay/Paulo Manlod/Jeremy Ganzon/Lou Ashley Isidro Damn yo yo hmm1096 Gang ACK on this Mo*****n beat meyn!
ang ligalig nanaman ng mga letra saking isip hindi ako malalim pero di ako makitid mahirap kalabanin ang kagaya kong tahimik madali akong basahin kung lenggwahe mo'y pag-ibig
busog nanaman ang utak ng mga sabik mga rimang sangkatutak kumakalabit sa gantong mga bagsakan sige makinig para kaming mga wu-tang kuya na game
pero pasensya kung madalang maglabas ng mga bago mas lalo lang inaral ang sariling pagkatao tahimik na minamasdan ang bawat pagbabago sobrang daming natutunan feeling ko baliw na nga'ko
tingin nila'y di normal ang gantong mentalidad masama bang tuklasin sariling abilidad? ginagamit ng maigi buhay na dekalidad alam ko saking sarili kung anong kapasidad
Lumipad angat estado at sarili, 'di bangko Ginalawan ng maigi 'to, nawili, lumago Sabi na "mananatili" pag hinga man malagot 'di kalaban ang sarili kaya labo mabagot
Teka di nayayamot inaaliw lang ang sarili inalam at pinulido ng maigi ang pinili 'di basta't nag titiwala na't bilang lang sa daliri ang mga nagiging kadikit kaya 'di maiipit
kitang kita pag kasilip, dilat dalawang mata subok mali at tama, naranasan kumbaga 'di kailangan hambingan pa para lang ikumpara mapanganib lang basta dahil sa pag tataka (ano ba?)
walang bago masanay ka na nga sa mga tao may opinyon ano man magawa, ya mabuti na ayusin ang sarili mo bago nasa paligid mo ano man maging hilig mo, dapat ibigin mo
layo ng nilibot ng paa paikot paikot ganon paren yung pakay ko tagumpay ay mahakot mga matang mapag masid sila yung natatakot pag mali nila napupuna gusto pang tinatago
walang ibang sagot sarili lang naman kung meron din balakid di nako tatalaban kahit paulit ulit mangulit yung mga harang sa daan sila rin ang maiipit sa pinasok tandaan
mga aral ihuhubog ka ng tama depende pano mo gamitin to na parang pana palagi sa maayos ang asta pati narin ang pag dala pansin mali pag kadapa pag ka tayo buo ko na
mga pangarap nilalakad patago nasa bungo nilalabas gusto ren lumayo kung sino mang katabi kasama na lumago wag nyo kameng husgahan sa pinasok na mundo
Dama mo enerhiya pag kami lumalakad Lagari sa umaga sa gabi pasalamat Kasama mga tropang di lahat umamat Pero maayos maglayag tinatawid mga dagat
kamalayan ko ay pasipiko hindi na para talaban ng parasitiko walang puwang yung mga laway na may asido lamon yan sa pagibig ko alam ko sa sarili minsan din akong malilito
pero parte ng laro yan araw araw bagong katauhan laging binabago ng bagong natutunan minsan natutunaw tanong ko sa sarili ano ba tong napasukan
tagal ng natauhan minsan nang biniro ng mundo at nabatukan nilunok mga maling akala nabulunan alam ko malala na pero di pa to pero di pa to yon
Tunog na siguradong may mag yuyugyugan. Mga ulo na sumasabay nag aalugan. Siksik na mga letra ay nag uumpugan. Ano kanilang pangalan sabi sa bulungan.
Walang pinag iba ang labas at kulungan. Masikip ay pinalawak gamit ang isipan. Nang yari nasa isip parang na ihipan. Alam mo kung bakit kasi pinag igehan.
Kami yung akala mo chill lang sa buhay. Marunong mag dala kahit damit lang sa ukay. May dateng kame pumorma sa pag sulat ay mahusay. Etong pinapakinggan mo ang nag papatunay.
wag mo sanang husgahan ang mga nilalaman gusto ko lang din naman nila maintindihan wag mo sanang husgahan ang mga nilalaman gusto ko lang din naman nila maintindihan
yo 1096 gang batang mandaluyong shoutout ack yeah yeah yeah