Lyrics: Yasushi Akimoto/Keigo Yo
Music: Yasushi Akimoto/Keigo Yo
Minsan sa'ming paglalakad Kami'y napadpad
Sa kwebang madilim Walang makita
Aking mga kasama Sa dilim natakot na
Ayaw nilang pumasok pa Naghintuan na
Pero ako Natuwa sa'king nakita
Kahit sa dilim ay matapang ako
Kahit na masaktan
'Di katatakutan
Kahit ang kadiliman
'Di uurungan
Dahil ang pangarap ay pinaglalaban
Saisho no usagi ni narou
Hindi maipagmamalaki Kung mahina ang loob
Itaas ang sarili Tapang ang sandata
Basta tuloy ang laban Kakampi ang mga bituin
Sa daraanan ko Bakas maiiwan
Kahit na sa
Puso ay may pagdududa
Tatapangan ang loob Lalaban ako
Nasusugutan
May matututunan
Kahit ako'y lumuha
Kahit pa masaktan
Lahat ng hirap at dusa titiisin ko
Saisho no usagi ni narou
Tignan n'yo Lahat tayo 'di matatalo
Sa buhay huwag susuko Buong loob susugod na
Walang iwanan magtatagumpay lahat
Kahit na masaktan
'Di katatakutan
Kahit ang kadiliman
'Di uurungan
Tulad ng pangarap na pinaglalaban
Tuloy-tuloy walang susuko hanggang magkatotoo na lahat
Nasusugatan
May matutunan
Kahit ako'y lumuha
Kahit pa masaktan
Lahat ng hirap at dusa titiisin ko
Saisho no usagi ni narou