Ganun Talaga

Lyrics: Genesis Lago/Paulo Cernal Manlod/Jeremy Ganzon/Lou Ashley Isidro/Dan Gerald Saribay Music: Genesis Lago/Paulo Cernal Manlod/Jeremy Ganzon/Lou Ashley Isidro/Dan Gerald Saribay Wag mo nga akong titigan na para akong alapin... Pag masagi lang pasabe aabutin ka ng pangil ko sa ngipin Dinabale kung maipit... Sa kasusubok mas maigi kesa puro tulala sa panaginip Nasa bao nakasingit Madalas balisa buti may usok pampapihit Kahit madala sa bingit kabisado ko ang ihip Kalmado basa ko buong paligid Ngayon kita mo na kung anong halaga Di mo danas yung binagtas ng paa Wala daw sa ayos baliw sa mata Walang masasabe ganon talaga Ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga Ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga Kami nga pala yung kaluluwang Sanay mabansagan na may turnilyong maluwang Kilalang mga buwang mula sa bayan ng mga buwang Sa pagusad sarili ang katuwang Nanatiling matahimik, pero hindi parin nananahimik Sa pagsulat ng kantang merong pag-ibig, may sariling pag-iisip Hindi sunod sunuran sa paligid, pagkatao'y di nakakulong Mapan linlang talaga, ang mga mata Depende sa kita na ang halaga Wala daw sa ayos baliw sa mata Ng mga makitid ganon talaga Ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga Ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga Bago pa na magkaron ay natutong mag antay Nawalan napalago kahit dati hindi sanay Madalas na ngang panay, parang oras di namamatay Pahinga nalang pag paa nag pantay Pero di pa yon ngayon, mabuti na't 'di na gaya 'non Tila kaliwaang paa nakabaon, sa sarili lang takot Sa karma lang ako malalagot Kung ano man itanong walang sagot, walang ganon Kung ano man ang paratang nang iba, 'lang ebidensya Maingat na kinakapa ang maduming sistema Malakas na ang mapera, hustisya initchapwera Koneksyon mahalaga dinaig pa ang mabwenas Kinikilosan na muna bago pa na kumuda Todo kabig, may pang kahig, sa kada tuka At wala nadaw sa ayos baliw sa mata Daming sinasabe ganon talaga Ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga, ganon talaga Daming lakad papunta sa mga nais Na abutin gamit isip ko at lapis Kasama gang ganon paren pag nag babad ay labis labis Salpukan ng ideya pag yung beat na ay hinain Galing sa kalsada hinubog ng panahon Hindi nawawala lumulupit taon taon Kame kame paren mag kakasama tol hanggang ngayon Kung meron man na mag babago yun ay aming sitwasyon Lalong walang kwinestiyon trinabaho nag gala Ang dami ring dinadanas bago pa maka sampa Kahit wala na daw sa ayos at baliw sa mata Walang masasabe ganon talaga Di kona iniisip ano ang utak ng iba Nabuo nilang akala akin yang ginigiba Patuloy pinagpapala kahit na nakahiga Inuuna mag bigay pero may na titira Wag moko suwagin ng purol mo na sungay D mo kayang sagarin ang nabuo ko na husay Pwede mo na ibahin mga desenyo ng buhay Pwede mo lahat bilhin kaso d kasya sa hukay 1096 karunungan d malimita Grupo na tumataas kaya rin bumaba Kaya wala daw sa ayus baliw sa mata Walang masasabi ganun talaga Ganon talaga, yeah ganon talaga Ganon talaga Kahit nasa ayos baliw sa mata