Lyrics: Joshua Mari Miralles/Kenneth Gaon/Jonel Oriel Navarro/John Syrone Elesterio Music: Bj Yangco Prowel Naaalala ko pa ramdam kong laging nandyan ka Aakayin ako sa tuwing madarapa At kahit na ikaw ay wala Basta ako ay meron para sayo ay ayos na
Kay sarap maramdaman Na may inang palaging handang gabayan Mag tuturo sakin ng tamang daan lagi kang paangaralan
Gusto kong sabihing mahal kita Sana may pagkakataong yakapin pa kita
Kung maaari lamang Na muli kang ibalik ng langit Hindi sasayangin ang pagkatataon Na ika'y makapiling pa
Kung kaya ko lamang Na maibalik ang bawat oras Na kasama kita dahil di ko kayang Mabuhay ng wala ka Kung maaari lang
Ibalik pa ung panahon na. sa bisig mo ay mahimbing Mga pagtapik mo hanggang makatulog Habang sayong matay nakatingin
Unang paglakad unang pagkadapa Mga kamay mo ang aking naging
Gabay hangang lumaki at makita ko ang Mundong akala koy madali Unang pag apak sa paaralan Di ka nawala sa bintana upang mapatahan
Maglaro ng bula habang ikay abala sating mga labahan Akoy nakasampa sa lamesa habang niluluto mo ating agahan Di ka nawala katabi ng anino ko saking bawat lalakaran Hanggang sa una naring mabigo sa pagibig at puso koy di mapatahan
Sa tabi mo parin ang naging pinaka komportable kong pahingahan Sa lahat ng aking bawat hakbang Alam kong nanjan ka para akoy gabayan
Saking bawat tagumpay alam kong ikaw ang pinaka masayang Di nawala katabi sa larawan bawat okasyon iyong kinulayan Ano mang sitwasyon ako man ang mali ay di mo parin ako iniwanan
Ngayon gusto kong lakaran lahat pabalik kase bkit di mo kinayang Akoy samahan hanggang sa huling sandali ngayo'y Sa panaginip na lamang
Kung maaari lamang Na muli kang ibalik ng langit Hindi sasayangin ang pagkatataon Na ika'y makapiling pa
Kung kaya ko lamang Na maibalik ang bawat oras Na kasama kita dahil di ko kayang Mabuhay ng wala ka Kung maaari lang
Diko kayang magpaalam sayo Ma Diba hindi naman totoong ika'y wala na Alam ko na panaginip lang ito Tapos gigisingin moko bukas ng umaga
Hindi ba ganon naman tayo lagi araw araw Di kumpleto ang umaga pag dika nambubulahaw
Magsibangon na kayo nakatirik na ang araw yan ang dahilan kaya biyaya ay di dumadalaw
Yan yung mga pasigaw na tawag mo At itatanong sa buhay anong balak ko Mga salitang madalas kong kinakainisan noon Pero ngayon hinahanap hanap ko
Patawarin mo ko sa mga pabalang na sagot Lumaki ako na tila ba hindi sayo takot
Pero sige ngayon Ma, utusan moko kahit na ano pangako na hinding hindi ako magdadabog Pakiusap lamang sana ma gumising ka Wag mo kaming biruin na hindi ka na humihinga
Bakit dimo sinabing may sakit ka na iniinda Dahil ba ayaw mong alalahanin at isipin ka
Napakadaya mo naman bakit kaylangan mo pang sarilihin Ano pa bang paghihirap ang yong mga inilihim
Patawarin moko sa mga katigasan ng ulo Kong hindi nakikinig sa iyong mga ibinilin
Kaya pakiusap sana Ma, bumangon ka na dyan Namimiss ko na yung luto mo tuwing hapunan
Diba ayaw mo namang humihiga sa masikip At mainit na silid na merong maliit na unan
Naaalala ko pa dati hinahatid moko sa eskwela Habang masaya mong pinababaunan
Ngayon ang baon ko ay bulaklak habang umiiyak na Hinahatid ka sa iyong huling hantungan