Lyrics: Loidmar Ramos
Music: Benedict Sy/Loidmar Ramos
Sa mundong nakakapagod,
Na parang oras ay lagi kang hinahabol.
Hindi naman na masamang matakot.
Tara't pansamantalang takasan ang mga dumadating na hamon.
Kasabihang nakasanayan,
"Sa paghanap ng sarili, sarili din ang kalaban."
Ang tanong ay kung gaano ka katapang,
Para harapin mga liko't lubak sa daraanan.
Tayo ay masyado ng abala.
Puso at isipan na puro pagaalala.
Ngumingiti para kunwaring masaya.
Pero kita ang mga pasanin sa mga mata.
Mag-unat na kung nag-iisip nang labis,
Ihinto mo na muna mga gawain.
Lumanghap ka naman ng sariwang hangin.
Tara lumabas at tara magpapawis.
Pag-out sa trabaho, tara tumakbo.
'Di makatulog nang maayos, tara tumakbo.
Para mawala ang pagod, tara tumakbo.
Tara tumakbo, tara tumakbo.
Kung 'di mo na kaya, tara tumakbo.
May pagdududa sa sarili, tara tumakbo.
Bumangon araw-araw, tara tumakbo.
Tara tumakbo, tara tumakbo.
Halos kadalasan ay 'di mapakali.
Na parang ating sarili ay naisasantabi.
At kakahabol sa iba, d'yan ka magkakamali.
Kanya kanya ng karera, 'wag magmamadali.
Sulitin mo na lamang ang bawat sandali.
At kung ika'y naliligaw, magpahinga nang saglit.
'Wag na 'wag mag-alala kung s'an man makarating.
Dahil bilog ang mundo, tiyak makakabalik.
Maaabot mo rin mga pangarap.
Di bale na kung mabilis pa 'yan o ga'no man kabagal.
Ang mahalaga'y yung mga aral.
Na napulot mo sa mga pinagdaanan.
Pagbabago ay atin nang simulan.
Tumayo ka d'yan at 'wag ka ng lutang.
Sa harap lang ang tingin at 'wag na d'on sa likuran.
Tara muna tumakbo sa ilalim ng araw o ng buwan.
Pag-out sa trabaho, tara tumakbo.
'Di makatulog nang maayos, tara tumakbo.
Para mawala ang pagod, tara tumakbo.
Tara tumakbo, tara tumakbo.
Kung 'di mo na kaya, tara tumakbo.
May pagdududa sa sarili, tara tumakbo.
Bumangon araw-araw, tara tumakbo.
Tara tumakbo, tara tumakbo.
Pag-out sa trabaho, tara tumakbo.
'Di makatulog nang maayos, tara tumakbo.
Para mawala ang pagod, tara tumakbo.
Tara tumakbo, tara tumakbo.
Kung 'di mo na kaya, tara tumakbo.
May pagdududa sa sarili, tara tumakbo.
Bumangon araw-araw, tara tumakbo.
Tara tumakbo, tara tumakbo.