Lyrics: Irvin Engelbert Ong/Vernice Jean Chua
Music: Irvin Engelbert Ong/Vernice Jean Chua
Sa simula pa lang
Narararamdam ko na
Ang pag-ibig ko sa ‘yo
Bumabagal ang mundo
Sa pagtingin mo pa lang
Ang isip ko'y nawawala
Nabaliw na 'ko sa ‘yo
Parang ‘ko'y nalilito
Teka lang
Parang hindi pa 'ko handa
Teka lang
Ako'y naaakit sa iyong ganda
Unang tingin pa lang sa
Sa iyong mga mata
Ako ay natunaw na
Sa kulay kahel na kay ganda
Pwedeng ibigay sa 'yo
Ang aking pusong ito
Gusto ko na talagang
Mahalin ka hanggang
Sa aking pagtanda
Napaisip lang bigla
Kung sulit bang itaya
Ang damdamin kong ito
Alam mo bang sa 'yong sa ‘yo
Sana hindi mawala
Ngiti mong dinadala
Nakatitig lang sa ‘yo
Hanggang kaibigan lang ba tayo
Teka lang
Parang hindi pa 'ko handa
Teka lang
Mahal na kita, 'wag ka nang magtaka
Unang tingin pa lang sa
Sa iyong mga mata
Ako ay natunaw na
Sa kulay kahel na kay ganda
Pwedeng ibigay sa 'yo
Ang aking pusong ito
Gusto ko na talagang
Mahalin ka hanggang
Sa aking pagtanda
Unang tingin pa lang sa
Sa iyong mga mata
Ako ay natunaw na
Sa kulay kahel na kay ganda
Pwedeng ibigay sa 'yo
Ang aking pusong ito
Gusto ko na talagang
Mahalin ka hanggang
Sa aking pagtanda