Lyrics: Earl Famatiga/John Aries Bejer/John Lester Baliguat/Tj Rufon/Bezalel John Villacarlos/Kent Fallar/Ellen Eve Deoso/Jwah Fallaria/John David Naorbe/Gin Ryu Rabino/Jamis Kirsten Manere/Emil Paulo Mallorca/Neil Patrick Atienza
Music: Earl Famatiga/John Aries Bejer/John Lester Baliguat/Tj Rufon/Niel Patrick Atienza/Bezalel John Villacarlos/Kent Fallar/Ellen Eve Deoso/Jwah Fallaria/John David Naorbe/Gin Ryu Rabino/Jamis Kirsten Manere
Tuwing Pasko liwanag ang dala
Sa bawat pamilya at sa bawat isa
Paghihirap ating lalampasan
Sa pamamagitan ng pagtutulungan
‘Sanlibong pagsubok sa panahong nagdaan
Marami 'mang nangyari hindi ka nagkulang
Kumakapit, nagpatuloy, lumalaban
Ngayong Pasko'y walang maiiwan
Ngayong Pasko, paghilom ay matatamo
Ngayong Pasko, kadiliman ay matatalo
Nagliligayang mga puso ng bawat Pilipino
Nag-aalab na hangarin sa liwanag patungo
Ngayong Pasko, Sama-sama tayo
Maraming unos nang nagdaan
Tayo’y nananatiling matibay kailanman
Liwanag ng parol sa ating mga puso
Magiging buo anumang bagyo
‘Sanlibong pagsubok sa panahong nagdaan
Marami 'mang nangyari hindi ka nagkulang
Kumakapit, nagpatuloy, lumalaban
Ngayong Pasko'y walang maiiwan
Ngayong Pasko, paghilom ay matatamo
Ngayong Pasko, kadiliman ay matatalo
Nagliligayang mga puso ng bawat Pilipino
Nag-aalab na hangarin sa liwanag patungo
Ngayong Pasko, Sama-sama tayo
Ang ating puso’y muling hahagkan
Ng ligayang di mapantayan
Kasi kahit anong unos ang dumaan
Tiyak na umiral at nangibabaw ang pagdamayan
Ngiti sa labi’y muling babalik
Tiyak lahat tayo’y masasabik
Kasi bumalik na ang pag-asa’t linawag
Na bunga ng diwa ng kapit bisig
Ng bawat isa na pinagkita
Diwa ng Pasko’y magpupunyagi
Sa pandemya’t sakuna tayo’y magwawagi
Malayo ‘man o kahit saan
Sama-sama tayo walang iwanan
Ngayong Pasko, paghilom ay matatamo
Ngayong Pasko, kadiliman ay matatalo
Ngayong Pasko, paghilom ay matatamo
Ngayong Pasko, kadiliman ay matatalo
Nagliligayang mga puso ng bawat Pilipino
Nag-aalab na hangarin sa liwanag patungo
Ngayong Pasko, Sama-sama tayo