Araw At Gabi (From "I Can See You (Love On The Balcony) ")

Lyrics: Natasha L. Correos Music: Natasha L. Correos Dati rati aking mga gabi'y tahimik lang Sa mundo'y walang pakielam Ngunit nang masilayan ka Ihip ng hangi'y nag-iba At nang ika'y makausap Di maipaliwanag ang saya
Napupuno ng kulay ang mga araw Na dati ay kay salat Nagagalak makilala Nasasabik makasama
Araw at gabi nagku-kwentuhan lang Sa iyong tabi parang wala na itong hangganan Araw at gabi puno ng ligaya ang nararamdaman Pag-ibig na ba ito Nahuhulog na nga sa'yo
Dati rati gulong gulo ang isip Ngunit sa'yong pagdating Oh kay sarap ng umidlip Dahil alam kong nandyan ka Di na muling mag-iisa At sa pagmulat ng mata Ikaw ang nais kong makita
Napupuno ng kulay ang mga araw Na dati ay kay salat Nagagalak makilala Nasasabik makasama
Araw at gabi nagku-kwentuhan lang Sa iyong tabi parang wala na itong hangganan Araw at gabi puno ng ligaya ang nararamdaman Pag-ibig na ba ito Nahuhulog na nga sa'yo Araw at gabi nagku-kwentuhan lang Sa iyong tabi parang wala na itong hangganan Araw at gabi puno ng ligaya ang nararamdaman Pag-ibig na ba ito Nahuhulog na nga sa'yo