Nasaan ang Hiling (From "Disney's Snow White"/Tagalog Single Version)

Lyrics: Benj Pasek/Justin Paul/Jack Feldman Music: Benj Pasek/Justin Paul Sa balon laging mag-isa Ang dilag na hindi iba Bakod na tila parang selda, Kinulong sa naluma nang storya   Ang buhay niya'y nasasayang lang Susunod at aayon lang Sa pangarap tatakbo Umaasa nang tago   Ang sabi ni ama noon Bagyo at niyebe'y hinamon Ang batang 'yon, muli bang babalik?   At nasaan ang hiling? Saksi ng puno't ulap Sa gubat nangangarap Bulong sa tubig ay iniwan   Nasaan ang hiling? Balang araw sana Hawak ang pag-asa Na'ng ama ay matularan   Sa panaginip lang, dilag na may tapang Magagawa kayang matagpuan Lumabas at magising O habang buhay mahimbing Nasaan ang hiling?   May awa at kabutihan Pilit niyang pinararamdam Ngunit sa bayan, may kadiliman Parang tama'y kinalimutan   Lalaban ba? Maduduwag? Susunod? O susundan? Matutupad ba'ng nais na maging?   At nasaan ang hiling? Saksi ng puno't ulap Sa gubat nangangarap Hadlang lahat gustong takasan   Nasaan ang hiling? Balang araw sana Hawak ang pag-asa Milagro sa 'kin ay gigising   Sa panaginip lang, dilag na may tapang Sadya bang nilihim nang 'di alam? Lumabas at magising O 'sang taong mahihimbing Nasaan ang hiling?   Ang pangarap na tago Matutupad lang 'to 'Pag sina-puso, puso, puso, puso Sigaw at humiyaw Hangarin ding sa 'yo At isa-puso, puso, puso Patuloy man ang pusong dumaing Naghihintay pa rin...   Nasaan ang hiling? Bulong sa tubig ay iniwan Nasaan ang hiling? Balang araw sana Hawak na'ang pag-asa Ang ama'y matutularan?   Sana ay masimulan Sabihin nararamdaman Tapang mailalabas 'Di kailangang iligtas   At mangangarap lang ulit Pag-gising, ay ako pa rin Nasaan ang hiling? Nasaan ang hiling? Nasaan ang hiling?