Lyrics: Jody Salas
Music: Jody Salas
Sumisikip ang dibdib
May nagbabantang panganib
Nalilito ang gulo
Ano ang gagawin?
Humihingi ng tulong, walang nakakarinig
Naghahanap ng aalalay, sino kaya ang sasagip?
Ikaw ang bida, wala ng iba
Ikaw ang bida, walang kokontra
Ikaw ang bida, wala ng iba
Ikaw ang bida
Nakakulong sa kwarto
(sa pagsikat ng liwanag dilim ay talo pag nilatag!)
Naninigas ang iyong braso
(nais ko bang iwana bukas na di ko makamtan?
Tumataya sa lotto
(simulan ang pagbabago hangarin mo’t pangako)
Umaasang Manalo
(lahat ay bibitawan akapin na ang kalawakan)
Ano pa bang kailangan mo?
Meron ka na nito
Lahat ay may paglalagyan
Nasa iyo na yan
CHORUS
Ikaw ang bida,wala ng iba
Ikaw ang bida, walang kokontra
Ikaw ang bida, wala ng iba
Ikaw ang bida
BRIDGE:
May naggagabay sa iyong mga kamay
Di kinakailangan pang maghintay
Lahat ng bagay ay Kanyang ibibigay
Mabuti pa gawin mo na
Ikaw ang bida,wala ng iba
Ikaw ang bida, walang kokontra
Ikaw ang bida, wala ng iba
Ikaw ang bida
(Ikaw ang bida...)
Sa taos pusong nag alay ng kanilang kakayahan
(Ikaw ang bida...)
Na nagbigay ng labis ng walang kabayaran
(Ikaw ang bida...)
Sa pinagpalang lumikha mula sa wala
(Ikaw ang bida...)
Na tanging bunga sa kanila ay gantipala
(Ikaw ang bida...)
Sa mga taong may tapang itaguyod ang tama
(Ikaw ang bida...)
At iwasto ang mali sa puso ng katiwalian
(Ikaw ang bida...)
Sa mga darating pa na magpapatuloy
(Ikaw ang bida...)
Laging tatandaan na ang tunay na tagumpay ay nasa paraan