Lyrics: Anthony John Viaña/Jennrick Mendoza/Jayson Almazan
Music: Anthony John Viaña/Jennrick Mendoza/Jayson Almazan
JYSN:
Hindi nako nagtataka kung bakit ba yung tayo ay nawala
Saan ba ito mapupunta kung Tayo ay puro lamang salita
At sabi mo ay wala nang babalikan
Umalis ka na lang bigla at di mo ako pinagbigyan
Aayusin at maibalik pa natin, Mga nakaraang galit ay palipasin mo.
Paano ba natin aayusin ito, ayaw ko lang tayo ay ganito.
Kaya kung pwede ay papasukin mo na, Ako sa iyong pintuan.
At muli ko ng masilayan, Ang ganda ng iyong mata.
Hayaan mo akong muli na mahalin ka.
Bumalik ka na sa akin oh aking sinta.
Ako parin naman siguro at walang iba.
Hindi nagbago at hanggang ngayon mahal kita.
Sayo parin ito masaya kaya balik ka na
Please lang, kailangan kita,kaya bumalik ka na.
Please lang, kailangan kita,muling sumubok Tayong dalawa.
TYRONE:
Muli nating subukan pwede bang ayusin na.
Hayaan mo Akong sarili ay baguhin pa.
Mga mali at pagkukulang aakuin na.
At pangakong di ka na nga gagaguhin pa.
Di na nga palalabuin Ang aking ibig sabihin,hahabulin kita hangga't makakaya ko.
Di pala kayang tapusin yung pagibig
at hindi ko din kayang akuin yung pagpapalaya mo.
Baka pwedeng Isang tyansa,
Mai-tama Ang lahat ng aking kasalanan.
Dahil Ang iyong mga larawan nandyaan sa,
aking utak nabatid na ang kahalagahan mo saking buhay.
Ikaw patunay na mahalaga ating nakaraan at mga kahapon na di natin ma-tatanggi na gusto nating ma-balikan.
Masakit ang, di mo na mapag-bigyan, di mo na mahalikan.
Kaya pangako hayaan mo ako bumalik,
di na nga kita aalisan tsaka papalitan.
Bumalik ka na sa akin oh aking sinta.
Ako parin Naman siguro at walang iba.
Hindi nagbago at Hanggang Ngayon mahal kita.
Sayo parin ito Masaya kaya balik ka na
Please lang, kailangan kita,kaya bumalik ka na.
Please lang, kailangan kita,muling sumubok Tayong dalawa.
Flexa J:
Alam ko Naman na dati, kasalanan ko nangyari
Dahil ako'y, nawalan ng Oras, inuna Yung toma at Tama Kasama Ang tropa, isama pa Dota, ako'y puro lang tawa, habang lumuluha mga mata mo at nawalan ka na nga ng gana, kaya dumistansya't Hanggang lumayo na pagitan mo sakin at akala'y wala na.
Oo Wala na, pwedeng ituring na pagasa, Ang Dami ng chance ang.
binigay mo para, baguhin at itama Ang bawat mali.
Hingi ng pasensya, pero biglang mauulit muli, kaya di ko masisi, kung bakit ba parang nagsawa ka na.
Babe, heto na Yung, bagong ako, handang ibigay ano man ang gusto mo regalo,attensyon at Oras,pagmamahal lahat ng Yan para sayo, mahigit Isang taon Ang lumipas
Andito pa din Ako at umaasa na babalik ka pa kaya bumalik ka na kasi Sayo nako nasanay at hindi ako kumpleto kapag Wala ka.
Bumalik ka na sa akin oh aking sinta.
Ako parin Naman siguro at walang iba.
Hindi nagbago at Hanggang Ngayon mahal kita.
Sayo parin ito Masaya kaya balik ka na
Please lang, kailangan kita,kaya bumalik ka na.
Please lang, kailangan kita,muling sumubok Tayong dalawa.