CAN'T

Lyrics: Anna Paula Castor Music: Anna Paula Castor Dati sa iyo ay wala lang paki Ngayon ikaw na ang aking hanap sa gabi ‘Di maiwasang ika'y maalis sa 'king isipan Sarili ko'y pilit ko ngang pinagbabawalan ‘Di ko masabi na ikaw ay aking pinagsisihan ‘Di masasabi kung pwede pa ba tayong magbalikan Bakit ‘di nating pagbigyang muli ang nakaraang Pag-ibig na minsa'y hindi natin nasimulan Kasalanan ba ang umibig at Pinaglalayo pa ng tadhana Ayokong umulit sa nakaraan Ngayon ako na ang gagawa ng paraan Kung sakaling ika'y muling lilisan pa Hindi ko na ata makakaya Ayokong umulit sa nakaraan Ngayon ako na ang gagawa ng paraan Kamusta ka na, meron pa ba Damdamin sa ‘yong natitira Oo nakalipas na Pero kahit ‘di mo na 'ko naaalala Wala ‘kong tiningnang iba ‘Di ko masabi na ikaw ay aking pinagsisihan ‘Di masasabi kung pwede pa ba tayong magbalikan Bakit ‘di nating pagbigyang muli ang nakaraang Pag-ibig na minsa'y hindi natin nasimulan Kasalanan ba ang umibig at Pinaglalayo pa ng tadhana Ayokong umulit sa nakaraan Ngayon ako na ang gagawa ng paraan Kung sakaling ika'y muling lilisan pa Hindi ko na ata makakaya Ayokong umulit sa nakaraan Ngayon ako na ang gagawa ng paraan (Ng paraan) Sa nakaraan, sa nakaraan Sa nakaraan, sa nakaraan Sa nakaraan, sa nakaraan Kasi ‘di ko sinabi (kasi ‘di ko sinabi) Kahit pa noong dati (kahit pa) Na mahal na mahal kita (na mahal) Na mahal na mahal kita Kasi ‘di ko sinabi (kasi ‘di ko sinabi) Kahit pa noong dati Na mahal na mahal kita Na mahal na mahal kita