Nasan Ako

Lyrics: Jonel Carpio Bello Music: Jonel Carpio Bello Verse 1 :
Teka Nasan Ako, Teka Bakit Ganto? Bakit Ang Gulo Naman Ng Paligid Ko? Nag Tataasan Na Gusali Maingay Na Kalsada Panaginip Pa Ba To Mukhang Bangungot Na Nga Ata!
Nasan Ang Aking Magulang, Mga Kapatid, At Kaibigan Mag Pakita Kayo Sakin Ako'Y Kinikilabutan Pakiusap Po Tulungan Nyo Ko Gusto Ko Ng Bumalik Sa Aking Pinanggalingan
Ali Pwede Magtanong? Pwede Ho Ba Kong Makainom Sa Mga Balde-Balde Niyo Na Tubigan? Nako Pano Na 'To Wala Na Kong Pag Kain At Wala Na Din Akong Maayos Na Tulugan
Pano Na Ko Ngayon Dito Mabubuhay? Saan Ako Ngayon Dito Mag Tatanim Ng Palay Sementado Ang Daan Ang Lupa Ay Nakatabi Para Sa Mga Labi Na Siyang Magsisilbi Nila Na Hukay.
Chorus :
Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Masyadong Magulo!
Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Masyadong Magulo!
Verse 2 :
Talagang Nakakapanibago Napakadaming Mga Tao Pila-Pila Ang Mga Sasakyan At Demakina Na Bisekleta Wala Na Ding Kalesa At Kabayo Saka Yung Mga Bilihin Dito Ang Mahal Bigas Ay Kasing Halaga Ng Presyo Ng Metal
Yung Mga Taga Rito Ay Pano Tumatagal? Isda Ay Kinakain Nila Kahit Galing Sa Kanal! Nakupo! Diyos Ko Sana Panaginip Lang 'To Di Ako Makapaniwala Saking Nakikita Kagubatan Kinalbo Na Ng Husto
Kaliwat Kanan Na Pag-Sabog Sa Mga Katubigan Ang Bayan Nagiging Ilog Kapagka Umuulan Yung Taga Rito Ay Walang Mapuntahan Mas Madalas Pang Bumagyo Kesa Ang Anihan Diyos Ko Naman.
Chorus :
Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Masyadong Magulo!
Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Masyadong Magulo!
Verse 3 :
Padami Ng Padami Ang Nakikita Ko Pinupukaw Ang Atensyo'T Ko'T Ginugulo Araw Na Nakakapaso Ng Balat Mas Mainit Pa Sa Tubig Na Kumukulo.
Ang Daming Walang Tahanan Mga Palaboy-Laboy Sa Lansangan Kung Kumayod Daig Pa Kalabaw Ngunit Ganon Padin Ang Kanilang Kabuhayan.
Hanggang Kailan Ako Dito Mananatali? Sa Mundong Kung Saan Ay Miski Tao Tinatali Kikitilan Ng Buhay Papatapon Sa Pusali Ng Mga Mismong Mga Pinunong Mas Masahol Pa Sa Hayop Ang Ugali!
Chorus :
Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Masyadong Magulo!
Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Masyadong Magulo!
Last Verse :
Nasan Ang Daanan Patungo Saaking Pinag Mulan Bayan? Sabihin Nyo Sakin Kahit Gano Kalayo Tatahakin Makauwi Lang Saaming Tahanan Kung Saan Payapa At Tahimik Ang Paligid Mga May Buhay Ay Namumuhay Sa Pag Ibig Hindi Tulad Sa Mundo Na 'To Na Yung Daan Tila Mga Tao Kasi Parehas Lang Sila Makikitid
Awan Ko Ba Bakit Ako Dito Napunta Natulog Lang Ako Ngunit Pag Gising Ko Ito Na Lugar Na Kung Saan Paulit Ulit Ang Sakuna Di Na Mapigil Na Tila Ba Ang Lahat Huli Na
At Bakit Gan'To Bakit Naging Patapon Ekonomiya Pababa Imbis Na Paahon Ngayon Saan Ko Hahanapin Ang Sagot Sa Tanong Kung Bakit Itong Bayan Ko'Y Unti Unting Nabaon
Chorus :
Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Masyadong Magulo! Nasan Ako? Ano Itong Palagid Na Aking Ginagalawan Pinas Pa Ba 'to?