Dantay

Lyrics: Yukihiro Rubio Music: Yukihiro Rubio Pinilit umakit ng swerte Palaisipan pinalawak Pinakiusapan ang hangin Pinaamo ang pinakamatapang Pinapalayo ang aking balwarte 'gang maligaw Sige abante Di lumingon Dinala ko pa din ang bigat kasi ako lang Ang aking tapat na kakampi Wala nang iba Walang katabi Magaling lang sila pagdukot sa bulsa mo na puno ng salapi Lumaking lahat hindi nabigay kaya ngayon handa na ako Matindi Madilim man ang langit Malungkot man ang ulap nakangiti At kung akala ko mababaw ay hindi ko lang tanaw Nalubog na 'ko sa putik bago ko pa madamang Wala na 'tong balikan kaya diretso lang At baka may masalubong na sasalba Sa tulad kong mangmang Sige halika dito't kausapin mo ako nang harap harapan Para atin na't malaman Kung ano'ng paraan Kapag tahimik ko ang ingay mo, laging sunod ang 'yong gusto Hanggang kalian ba tayo ganto Sinusubukan ko naman Kaya kapag mahirap Pag gipit at Pag gabi La 'kong malapitan Yakap aking unan Yakap aking unan Daan hindi makita Mahabang pila Madalang na ang pagbisita mo Ano ang pagkukulang Uunawain mga bagay na binato sa 'kin Mga tagay na hirap hupain Mga gulo na aking kasapi at Ayoko lang naman sa oras ay nagtatagal Hindi rin mabilis baka ika'y mataranta Paulit-ulit lang ang kulay sa ating buhay Pag-ibig ng lahat ang siyang magpapatunay Napalapit Napalayo Pinagkait Napasayo Napasabi na lang Pakisabi na Sinusubukan ko naman Pakisabi na Sinusubukan ko naman Pakisabi na Pakisabi na Sinusubukan ko naman Ano ba ang gusto mo Gusto mo May mga naghihintay Kita-kita na lang doon Kung ikaw ay mainip, Di pa tamang panahon Punan mo ng enerhiya Positibo na ganap Gawin mo nang mayro'ng puso kahit dulo 'di tanaw Dahil anong silbi ng buhay kung 'di ka gagalaw? Kung hindi mo gagamitin utak mong nasasabaw? Wag mo nang intindihin kapag hindi mo na saklaw Pag hindi mo na saklaw Pag hindi mo na saklaw At kung akala ko mababaw ay hindi ko lang tanaw Nalubog na 'ko sa putik bago ko pa madamang Wala na 'tong balikan kaya diretso lang At baka may masalubong na sasalba Sa tulad kong mangmang Sige halika dito't kausapin mo ako nang harap-harapan Para atin na't malaman Kung ano'ng paraan Kapag tahimik ko ang ingay mo, laging sunod ang 'yong gusto Hanggang kalian ba tayo gan'to? Sinusubukan ko naman Kaya kapag mahirap Pag gipit at 'pag gabi La 'kong malapitan Yakap aking unan Yakap aking unan Daan hindi makita Mahabang pila Madalang na ang pagbisita mo Ano ang pagkukulang