Lyrics: Micky Jill Macasadia
Music: Micky Jill Macasadia
Anong Gagawin Mo Ngayon?
I:
Akala mo’y babalik ka?
Sa isip mo laging kang tama
Ang lahat sayo’y nawala
Anong gagawin mo ngayon?
Di ka na kailangan, di ka na kailangan dito
Parang dapat kang bitawan
Wala ka nang dahilan
Pre-chorus:
Ooooh
Ang puso ko’y ‘di para sa’yo!
Chorus:
Ayoko na! Ayoko na sa tulad mo
‘Yang sumbat mo, isaksak mo sa baga mo!
Ayoko na! Ayoko na sa tulad mo
Bahala ka sa buhay mo
Anong gagawin mo ngayon?
II:
Akala ko’y babalik ka
Sa isip ko lagi akong tama
Ang lahat sakin nawala
Anong gagawin ko ngayon? (Wala!)
Di ka na kailangan, wala ka nang mapapala dito
Dapat ka na ngang iwanan
Sa dami mong dahilan
Pre-chorus:
Ooooh
Ang puso ko’y ‘di para sa’yo!
Chorus:
Ayoko na! Ayoko na sa tulad mo
‘Yang sumbat mo, isaksak mo sa baga mo!
Ayoko na! Ayoko na sa tulad mo
Bahala ka sa buhay mo
Paalam na sa’yo
Ayoko na! Ayoko na sa tulad mo
Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!
Ayoko na! Ayoko na sa tulad mo
‘Yang sumbat mo, isaksak mo sa baga mo!
Ayoko na! Ayoko na sa tulad mo
Bahala ka sa buhay mo
Anong gagawin mo ngayon?