Payakap, Inay

Lyrics: Poppert Bernada Music: Toto Sorioso LYRICS: PAYAKAP INAY
Tandang-tanda ko pa Noong bata pa ako Di makatulog pag ika’y Wala sa’king tabi
Hindi ko maipaliwanag Ang aking pakiramdam Basta ang alam ko Ligtas ako pag nasa piling mo
Chorus
Payakap Inay Gusto ko nang matulog Payakap ng mahigpit Hangga’t ako’y makatulog Pakiusap wag umalis Habang ako’y natutulog
Kay himbing-himbing ng aking pagidlip Unti-unting nalulunod, Nananaginip, nangangarap Na ika’y aking yakap-yakap
(Chorus)
Payakap Inay Gusto ko nang matulog Payakap ng mahigpit Hangga’t ako’y makatulog Pakiusap wag umalis Habang ako’y natutulog
Bridge: Ngunit ngayong wala ka na Takot akong mag-isa, Hindi ako makatulog, ‘nay Hinahanap-hanap kita
Chorus 2: Yakapin mo ako Inay Hindi ako makatulog Yakapin mo akong mahigpit Habang ako’y natutulog... Gusto ko nang managinip Habang ika’y yakap-yakap Gusto ko nang managinip Habang ika’y yakap-yakap