Isa + Isa

Lyrics: Samuel Leonides Rodriguez Angeles Music: Samuel Leonides Rodriguez Angeles "Isa + isa"
Aking mapapangasawa May oras para sa lahat ng bagay Panahong matuto at masaktan
Aking mapapangasawa Panalangin ko na ika'y makilala Habang naghihintay Puso ay aalagaan
Wala naman akong balak Makipag-unahan sa iba Kahit gaano pa katagal Ako'y naniniwalang
Darating din ang araw Mapag-iisa tayong dalawa Matagpuan ang katadhana't Maging panghabang Buhay kong tunay
Malalagpasan din natin Ang mga hadlang Sa'ting pagsasama Darating din ang araw Mapag-iisa tayong dalawa
Aking mapapangasawa Marami pa akong hindi Alam sa buhay Maging karapat-dapat sayo'y Aking pagsisikapan
Aking mapapangasawa Mayayakap rin kita balang araw Pagbuo ng pamilya Dapat nating paghandaan
Wala naman akong balak Makipag-unahan sa iba Kahit gaano pa katagal Ako'y nagtitiwalang
Sa hirap at ginhawa Handa kitang alagaan Buong puso kitang mamahalin
Aking mapapangasawa Panalangin ko sa'ting pagsasama Pag-big ng diyos sa'tin ang magpatibay