Lyrics: Genesis Lago/Lou Ashley Isidro/Dan Gerald Saribay/Paulo Cernal Manlod/John Jeremy Ganzon Music: Genesis Lago/Lou Ashley Isidro/Dan Gerald Saribay/Paulo Cernal Manlod/John Jeremy Ganzon Matagal tagal na din pinagsamahan, Dami na nangyari, Pero di na bale patuloy umabante dami nang bagahe, Balang araw at malulunasan, Kahirapan, Kamalayan mo ang kayamanan
Bestfriend o tropa di lang kasama sa toma. Kasabay ko sa gulo hangang sa tawag na ay kosa. Pag usapan na pangarap lahat ay na lulula. Seryoso rin sa buhay dilang sa hiram na tama.
Nag sasama mahaba pa byahe di mag sasawa. Hanggang sa humantong meron ng anak at asawa. Maganda na bahay mahal na kotse na magara. Magandang kalusugan at buhay na masagana.
Payapa rin naman ang aking hiling. Kaligtasan ng bawat isa ay sana dinggin. Itong awit ng barkada ay iyong damahin. Mag bigay inspirasyon sa nakikinig rin
wala ng balak huminto manhid na to sa sakit ano man ang makamit hindi ko ren hinahapit kinabisado ko onti onti hanggang makalabit dumami man aking pasan ako paren mag bibitbit
ako parin mag dadala san man ako makarating gusto ko rin maipanalo mga laban dinaig ay ang sarili ko lang den, sa tunay lang nakikinig salamat den sa pag tuwid para ako'y makatawid
yun paren mga kasama mula una palang kahit lubog mangyare sa'men laging pumapalag mapabuti sitwasyon yun lang ang hinahangad musika pamilya hilig dun lang lagi nag babad
Matagal tagal na din pinagsamahan, Dami na nangyari, Pero di na bale patuloy umabante dami nang bagahe, Balang araw at malulunasan, Kahirapan, Kamalayan mo ang kayamanan
Matagal tagal na din pinagsamahan, dami na nangyare, pero di na bali patuloy umabante, balang araw ay malulunasan, kahirapan, kamalayan mo ang kayamanan
Ang bilis ng panahon ano na ang lagay Madalas tuliro at hindi mapalagay Ang daming sumubok pero sumablay naka sakay sa alon walang makasabay
yoko ng umaray yeah hindi na ulit nasanay nalang pero hindi pa huli gusto ko pang may magbago sumubok ulit hindi nananawa sa kakukulet
kahit gano kagipit kapag sumulat punit madidinig mo sa net, habang nagpapagupit nagpapasingket, mga likha na musika nakakasagip, binuhos ko na dito natitirang bait
daang lubak ang nilalakad madalas din na gawi lumipad mga bawal pinakalat nasaid sinagad sunod sa tama tinawanan ko nalang kung panay alat ang mga nakaraan di na para balikan mabuti at alam ang dahilan kaya iniiwasan ko na ang? mainam ng kunyare 'lang alam bibig tikom ang t'yan di nakalam gumagaan gaan gayon pa man iba ang gigil na pag ka ramdam naaatat natatakam kung minsan man hindi alam ngunit tinutuloy nalang butas bulsa gawa ng paraan hanggang mag ka laman
Matagal tagal na din pinagsamahan, Dami na nangyari, Pero di na bale patuloy umabante dami nang bagahe, Balang araw at malulunasan, Kahirapan, Kamalayan mo ang kayamanan
Matagal tagal na din pinagsamahan, dami na nangyare, pero di na bali patuloy umabante, balang araw ay malulunasan, kahirapan, kamalayan mo ang kayamanan
Dami mang nangyare, tanaw ang bahaghari, dami mang mali pag-ibig ang namumutawi, nawa'y baka sakaling meron mapuntahan sakripisyo ko at paghihirap na inilaan, kala ko nung una di makakayanan, mga pangyayaring di ina-asahan, kahirap tapos ko nang malasahan panahon na upang makamtan kaginhawaan, yeah ooooh ooh panahon na para makamtan kaginhawaan