sa ulap nagtatago

Lyrics: Kylu Garcia Music: Kylu Garcia Ah, hello Ah, may gusto lang akong sabihin ‘Di ko rin alam kung pa’no ko ba sasabihin talaga Pero parang nahuhulog na yata ako sa ‘yo
Alapaap lilibutin Ang liwanag hahabulin Daming hiling pero ikaw lang panalangin
Dahil sa ‘yong mata natagpuan Ligayang ‘di kayang matumbasan Sabik sa ‘yong musika, giliw (pero bakit ba sukli’y) Sakit, parang nakakabaliw (tanging tanong sa sarili)
Ikukubli na nga lang ba Dapat umasa pa Ako ay nahulog na sa ‘yo
Ang hirap pala na magkagusto sa isang tulad mo Tinamaan nang malalim ‘Di ko magawang ilihim Ako na lang, ako na lang Pwede ba tayo na lang
Hirap ka ba na magkagusto sa isang tulad ko Meron bang mali sa akin Ba’t ‘di mo ‘ko liwanagin Kung ‘di pa handa, ako’y maghihintay Sa ulap, ako’y nagtatago lang
‘Di ba talaga napapansin, oh O sadya lang binabalewala Umuulan na naman (teka, parang mali) Luha ko lang pala (please tell me)
‘Cause I don’t wanna see myself With anybody else but you Anybody else but you, just you (When I get lost, my heart is running back to you)
Ang hirap pala na magkagusto sa isang tulad mo Tinamaan nang malalim ‘Di ko magawang ilihim, oh oh Ako na lang, ako na lang Pwede ba tayo na lang
Hirap ka ba na magkagusto sa isang tulad ko Meron bang mali sa akin Ba’t ‘di mo ‘ko liwanagin Kung ‘di pa handa, ako’y maghihintay Sa ulap, ako’y nagtatago lang
Ang hirap pala na magkagusto sa isang tulad mo Tinamaan nang malalim ‘Di ko magawang ilihim Ako na lang, ako na lang Pwede ba tayo na lang
Hirap ka ba na magkagusto sa isang tulad ko Meron bang mali sa akin Ba’t ‘di mo ‘ko liwanagin Kung ‘di pa handa, ako’y maghihintay Sa ulap, ako’y nagtatago lang
Pwede bang ako na lang