Ihahatid

Lyrics: Bianca Denise/Marion Aunor Music: Bianca Denise/Marion Aunor Masyado pang maaga para Sabihing ang puso ay kalmado na Nawala na ang mga bumabagabag Nakikita mo ba sa ’king mga mata
‘Di naman hiniling ang pagdating Kaya’t salamat kung mananatili Sa aking munting mundo Na ‘di man payapa ‘Di rin magulo
Kung aalis ka na’y ihahatid pa kita Kung mananatili’y yayakapin ka ‘Di pa ba halata sa kilos ko’t salita Paano ba kung ayaw kitang mawala
Kay gandang makita na Ang puso ay nag-aabang sa ’yo Kasama ka sa paghakbang Binubura lahat ng aking takot
Kung ito man ang huli Sana’y ‘di magkamali ‘Wag ka nang lalayo Tangayin man ng alon Itataya mo ba ang puso mo
Kasi kung aalis ka na’y ihahatid pa kita Kung mananatili’y yayakapin ka ‘Di pa ba halata sa kilos ko’t salita Paano ba kung ayaw kitang mawala
Ang takot ng nakaraa’y kakalimutan na Sa yakap mo’t halik ako’y mananatili na ‘Di na kailangan pang sa akin ay magduda ‘Pagkat mahal, hindi na kita pakakawalan pa
Kung aalis ka pa, ang hawak ay hihigpitan Kung mananatili, aalagaan ka Kung ‘di mo mahalata sa kilos ko’t salita Hinding-hindi ko kaya ‘pag ika’y mawala