Hakbang Pasulong

Lyrics: Mia Grace Buencamino Music: Mia Grace Buencamino Ha-ha, Ha-ha
Malayo na ang narating Kay rami pang haharapin Damdamin mo’y sinasalamin Na tunay kang naging magiting
Ah-ah Tila ba bagong dating Sa mundong nagmamadali Ngunit patuloy lang na mabuhayan Palagi kang dadamayan
Sabay ng buhos ng ulan Ang pagbaha ng kalakasan Magtampisaw ka sa nag-uumapaw Na pag-asa
Tayo’y susulong Bawat hakbang ay walang talo Ang iyong tadhana Ginuguhit ng ating pakikidigma Ika’y paparating na
Ha-ha.. Malayo na ang narating Kay rami pang haharapin Lungkot ay may hangganan Ang magtuturo ay karanasan
Kahit ikaw ay luhaan Liwanag ay madaratnan Magtampisaw ka sa nag-uumapaw Na pag-asa
Tayo’y susulong Bawat hakbang ay walang talo Ang iyong tadhana Ginuguhit ng ating pakikidigma Ika’y paparating
Sabay ng buhos ng ulan Ang pagbaha ng kalakasan Magtampisaw ka sa nag-uumapaw Na pag-asa
Tayo’y susulong Bawat hakbang ay walang talo Ang iyong tadhana Ginuguhit ng ating pakikidigma
Tayo’y susulong Bawat hakbang ay walang talo Ang iyong tadhana Ginuguhit ng ating pakikidigma Ika’y paparating na