Music: Lester Labayog/Mart Sam Emmanuel Olavides
Lyrics: Lester Labayog
Kung talagang wala ka ng pagmamahal,
sa akin ay wag ka na lang magtatagal,
maghahanap ng paraan na ako'y sundan,
sa bandang huli ako ang masasaktan
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya (Ihahatid na kita)
Kung magtanong man ako sa'yo ay sasagutin mo ba?
kung ang lambing ay wala ng kulay hihilingin ko na
mali mang huli gusto kong bumawi
kung gugustuhin mo lang
malibang palarin, hindi ka na sa 'kin,
ako'y umiikot lang
langit , langit sa piling mo
Bakit hindi na humihinto?
Ang orasan ay nagmamadali at ayaw sumukong bumilang
dahil mali ay sumpang kita'y di pipigilan.
Kung talagang wala ka ng pagmamahal
sa akin ay wag ka na lang magtatagal,
maghahanap ng paraan na ako'y sundan,
sa bandang huli ako ang masasaktan
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya (Ihahatid na kita)
'Di na ikaw ang dalagang pagpupungayan ng mata,
'Di na ikaw ang laman ng mga pinagpuyatang kanta,
'di mo na 'ko sinamahan sa pintuang sinara,
'di na ikaw dahil nang ikaw ay maligaw di mo na'ko dinala.
Ayos lang sana, ayos lang sana kung 'di kana mahalaga
kung 'di na ako apektado sa mga halik mong tuksong nakatataranta
'di ko alam pero parang kasalanang hilinging katagpuin ka,
para sabihin na ayaw ko na ngunit sa likod ay may hiling na.
kung kaya lang kitang mailayo sa kanya, nilapitan na kita
inagaw ko na ang mga sandali sa kanyang araw gabi ang timpla,
pero malinaw ang labo ng kulay matapos mong panamlayin ang pinta,
wala na 'kong pagbabalak na lumakad para salubungin kapa sa gitna (sa gitna)
'di sa pagtatampo, sadyang 'di ko rin matanto
gusto ko ay 'yung hindi pwede bawal man ang mga tagpo,
nasa punto na akong 'di ko alam kung anong mali sa wasto,
anong alas kong pumalag kung nanghina ka na at ikaw lang ang lakas ko? say
Huwag kang yayakap sa akin kung siya rin sa huli ng 'yong araw,
marahil nga ay hindi na kita maaagaw.
Kung talagang wala ka ng pagmamahal,
sa akin ay wag ka na lang magtatagal,
maghahanap ng paraan na ako'y sundan, sa bandang huli ako ang masasaktan
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya
Ihahatid na kita sa kanya (Ihahatid na kita)
'Di na kita kilala, 'di mo na'ko kilala
kahit pilitin ang mga matang tumingin sakin ay wag 'kaila,
ala-ala na dala kasama ng mga larawan ay 'di mawala,
salamat na lang sa mga huling sandali natin na sa inyo ng dalawa.
Ihahatid na kita sa kanya (Ihahatid, Ihahatid kita)
Ihahatid na kita sa kanya (Ihahatid, Ihahatid kita)
Ihahatid na kita sa kanya
(Ihahatid, Ihahatid kita)
Ihahatid na kita sa kanya. (Ihahatid)