Lyrics: Max Importunate/Jimmen Howard Catap/Joshua Hara
Music: Max Importunate/Jimmen Howard Catap/Joshua Hara
Kilala na kita hindi na kataka-taka
Sa kada lakad ko ay masaya kang mag-isa
Upang hindi ko madama
Kailangan ba na laging ako ang magpaparaya
Hindi alam ang nararamdaman napakadaya
Dati nang umasa na ika'y isang biyaya
Ngunit parang mali nagbago at hindi na tama
Oo tama ka, tama na dapat na ’tong itigil
‘Di sanay iba amoy ng punda kapag tahimik
Halo-halong emosyon at puso natin nanggigigil
Makamit ang kalayaang sa ‘tin ay magpapatigil
Sakit na nararamdaman ay dinaan lang sa ngiti
(Dinaan lang sa ngiti)
‘Di na baleng paumaga basta sa ‘kin sa gabi
(Basta sa ‘kin sa gabi)
Yung bumbilya sa silid tuluyan nang napundi
Ating kandila nawalan ng sindi
Kung sigurado lang na tayong dalawa sa huli
‘ Di na babalakin pang umuwi
Kilala na kita hindi na kataka-taka
Ang makita ka na parang ‘kala mo nag-alala
Sa kada lakad ko ay masaya kang mag-isa
Nagdududa ka na lang upang hindi ko madama
Nasanay na ako na ganyan ka
‘Di mo na binago,‘di ka man lang nag-isip
Kung aalis mabuti pa, sige na
Nang mabunutan na ako ng tinik
Itinago ang ngiti
Bibig na ginagamit ‘pag hinanap kiliti
Sa’n man mauwi, ‘di ko na balak apakan
Ang basahang upang dumumi sa pagpasok sa tahanan
Amoy gimikan halatado sa ’yong mukha
Mukhang para-paraan ka sa tuwing nagwawala
Kung susugal ako bakit ko pa itataya ang sariling
‘Di pa pumalaot tumaob na ang bangka
Pa’no ba naman kasi sawang-sawa na akong mag-isip
‘Pag sumasabay yung galit sa inip
Masakit lang sa mata ‘pag sinipat yung tag-init
Kakahanap mo ng butas, tayo na yung sumikip
Madalas na pag-initan habang ang relasyon lumalamig
Kaya madalas ‘di ako umiimik
Ayoko nang patagalin kung ikaw lang naman ang gustong manaig
Mahal kita kung aalis ka ‘wag na sana bumalik
Kilala na kita hindi na kataka-taka
Ang makita ka na parang ‘kala mo nag-alala
Sa kada lakad ko ay masaya kang mag-isa
Nagdududa ka na lang upang hindi ko madama
Nasanay na ako na ganyan ka
‘Di mo na binago ‘di ka man lang nag-isip
Kung aalis mabuti pa sige na
Nang mabunutan na ako ng tinik
Yea yeah ah, hmm
Nang mabunutan na ako ng tinik