Music: Justin Jay Natividad Taller Ikaw lang ang aking minahal walang iba 'di maikumpara Yan ang matatamis na mga salita sa labi mong hindi nakakasawa Kahit pa maka-ilang beses mong sinundan, hinabol, napagod Ano ang sasabihin mo sa'kin pag nalaman mo ang totoo
Hindi na ikaw ang laman ng isip ko Hindi na ikaw ang laging panaginip ko Mula nang nakita kita na kayakap niya habang tayo pa Ako'y bibitaw 'di na pa-uuto sa iyo Bakit 'di ka pa lumayo
Wala nang babalikan
Sakaling magmahal man ng iba 'di na katulad mong mandaraya Lahat ng binigay kong pagmamahal ay binigay mo sa kanya Edi sana siya na lang ang minahal ko nang diretso bakit nagpagod ka pa? Nang 'di niya nabigay sa'yong lahat ng gusto mo bakit ka sa'kin pupunta?
Hindi na ikaw ang laman ng isip ko Hindi na ikaw ang laging panaginip ko Mula nang nakita kita, kayakap niya habang tayo pa Ako'y bibitaw 'di na pa-uuto sa iyo Ako na ang lalayo
Dina dina ma-uulit Dina baleng mag-isang uuwi Dinagdagan mo lang ng pait Ba't sakin ka babalik?
Dina dina ma-uulit (di mo na muling masusulit) Di na baleng mag-isang uuwi Dinagtagal ang pag-ibig Ba't sakin ka babalik?
Hindi na ikaw ang laman ng puso ko Hindi na ikaw ang laging hanap-hanap ko At kahit na di pinadama, alam ko na minahal kita
Sa'king pagbitaw 'di na mauuto ngayon Dina maghahabol