Kase Mahal Kita

Lyrics: Jonnel A. Alday/Jec Llorens Music: Jonnel A. Alday/Jec Llorens/Marlonne Ibayan 1st Verse Palagi na lang kita na iniisip Di maiwasan kahit na ano pang pilit Hanggang panaginip Di ko alam kung bakit sakin sumisilip Gusto ko sana sayong lumapit Ngunit, paiws ko ay sumisirit Paulit ulit na iniisip na idaan na lang sa awit aking bibirit
Refrain Kaso baka di mo pakinggan Natatakot na tawanan lang Sabihin na wala lang laman aking tiyan Pero bahala na kung di mapagbigyan
Chorus Ohh alam mo ba? (ah, ha) Aking tunay na nadarama Na mahal kita (ha, ah) 'di ko na to matatanggi pa
2nd Verse Kung mabigyan man ng pagkakataon Hinding hindi ko to sasayangin Makasama san man naroon Yan lang aking tanging panalangin Wala ng ibang hahanapin Ikaw na talaga yung para sakin Kung sakali man na ika'y topakin Wala yan sakin, aking kakayanin
Refrain: Sana naman ay 'yong pakinggan Kahit na ako'y tawanan lang At kung sakali na ako yong pagbigyan Hinding hindi na kita papakawalan
2nd Chorus Ohh alam mo ba? (ah, ha) Aking tunay na nadarama Na mahal kita (ha, ah) 'di ko na to matatanggi pa
3rd Verse Dinadala mo ako sa paraiso Palabas sa aking prisinto Natutunang mag mahal ng todo Para sayo lahat 'to Nagawa kong mag ambisyon Na magkaron ng mansyon Mga bagay na di inakalang ma iilusyon
Dahil para sa iyo, Lahat ay gagawin Kakamitin hanggang makita mo sa akin ang pagibig Sabay ko sasabihin na mahal na kita talaga Sana'y mabigyan mo na ko ng pagasa
3rd Chorus Ngayong alam mo na (ah, ha) Hindi na lilingon to sa iba Kase mahal kita (ha, ah) Sa puso ko ika'y nag iisa
Bridge Kase mahal kita ah, ha Kase mahal kita ah, ha Kase mahal kita ah, ha Kase mahal kita ah, ha
4th Chorus Ngayong alam mo na (ah, ha) Hindi na lilingon to sa iba Kase mahal kita (ah, ha) Sa puso ko ika'y nag iisa
Outro Oh alam mo ba? (Ah, ha) Di ko na to matatanggi pa