Lyrics: Perlin C. Huberit Music: Perlin C. Huberit Sa bawat ngiti, namumutawi Alaalang pag-aaring hindi mababalik Sa bawat gabi, ika'y kapiling Alaala ng kahapong sukdulan ng sakit
Dating oras na ikaw pa ay sabik Siyang dahilan kung bakit nagtiis
Wala nang hapdi na maghahari Sa kabila ng pagsisisi mo ako pa ang mali Ang aking binhi, pinapalawig Pagsasamang kay tagal nang sa ‘ki'y nananakit
Dating oras na ikaw pa ay sabik Siyang dahilan kung bakit nagtiis
Hanggang kailan magtitiis sa pagsasamang malupit Mangangarap na lang na sana'y makamit Hanggang kailan mananabik ang puso kong namimilit Nangangarap na lang na sana'y panaginip
Ang alaala ng kahapong kay sakit Siyang dahilan kung bakit nagtiis Binhing pinapalawig ang sakit