Para Sayo

Lyrics: John Jeremy Ganzon Music: John Jeremy Ganzon yeaah
tuloy tuloy na to mula palang ng simula hanggang ngayon kung baket ginagawa at para saan ganon paren
hmm yeah para saan?
para san nga ba to sinasambit ang mga salitang naguugnay kinalabit yung kaluluwang natutuwang nagigiyang umiindak tinitiyak nila sa bawat labas ng bibig nadiligan
natandaan mo ba ang mga daan kung pano ka iiwas at mag pagaan alam mo yan di na para pa ulitin pa uulit lang ito kung may aral nung nadapa
pa-paluin man tayo ng langit kahit magalit kung oras nasulit di madadawit ang may mabuti na hangarin palarin na humakbang ang paa itutuloy ko lang misyon ko na dinadala
nilampasan tinatagan hindi na lalala kumakapit lang palagi lakas man ng pag uga sipag at tyaga hindi naiinip na makapa makapasok sa kokote mo don palang may napala nako sa ginagawa salamat at natutuwa bwelo lang ako saglit at kitakits sa kabila
kita kits sa kabila hmmm... hanggang merong mapala yeah
hinga layag salamat tumatag salamat sa materyal na ginamit para pumalag araw araw lumalaban kumakayod sa lapag pumarehas at pumapantay saan mapadpad
tinadtad ko ng puso ang bawat likha karanasan ang inuukit ko na kulay masaya mahuhukay mo sa pag kinig ang mga dala dala kong mga ngiti bintana ang mga mata
bintana ang mga mata
sa ngiti ko na dala
halina at maging kalmado sumabay lang sa bayo pakinggan mo yung tinig ko na inaalay ko sayo iwagayway ang yong kamay sa enerhiya sumabay para kang nadiligan sa musikang hindi patay
pantay pantay ang pag tingin kung mensahe ay sisisirin hango sa aking kahapon maliwanag may dilim din heto aking aaminin tao lang din tayo nakakaranas din ng emosyong pabago bago
kaya minsan ang kailangan lang naten ay ang pag iintindi, sa kung anong meron na mundo ang iba.
pag ibig at pag kakaisa