BDNT (Bakit Di Na Lang Tayo)

Music: Karen Gail Cadiz Pambid/Natasha Marie Etea Lyrics: Natasha Marie Etea/Karen Gail Cadiz Pambid/Renz Carlo Oraya BDNT (Bakit Di Nalang Tayo)
Nash E./KGail/Corrgtd
INTRO:(NASH E.)
Ahh hmm
Hmm hmm
CHORUS: (NASH E.)
Bakit di nalang ako ang ibigin mo
Para lang sayo gagawin ko
Bakit ‘di nalang ako
Bakit ‘di nalang tayo
FIRST VERSE: (KGail)
Bakit bigla ka lang nag iba
‘Di na tayo tulad ng dating masaya
Nagulat nalang ako
‘Di mo na ako kailangan
May mga pangarap tayo na nabuo na
Gusto na kasama kita
Pero hindi na dahilan
Para ipilit pa ang hindi na magagawa
Bridge: (KGail)
Umaasang maibabalik yung dating tayo
Ngunit huli na ang lahat
‘Di na’ko sandalan mo oh
CHORUS: (NASH E.)
Bakit di nalang ako ang ibigin mo
Para lang sayo gagawin ko
Bakit ‘di nalang ako (Bakit ‘di nalang ako)
Bakit ‘di nalang tayo
THIRD VERSE: (KGail)
Unti unting kinakalimutan na ang lahat
Ng mga masasayang ala ala
Lahat ng iyon ay ibabaon sa limot para makalimutan na kita
Pinagtagpo pero nahantong sa pagkabigo
Mamahalin pa ba kita o tuluyang
Kakalimutan na kita
‘Di ko inakalang
Aalis ka rin pala
FIFTH VERSE:(NASH E.)
‘Di mapakali
Ngayong wala ka na
Sa aking panaginip
Pati sa aking piling
Ako’y nakikiusap na
Sana ay muling hagkan
At aking makasama
Ngunit ‘di mapagbigyan
Kaya
BRIDGE: (KGail)
Umaasang maibabalik yung dating tayo
Ngunit huli na ang lahat
‘Di na’ko ang sandalan mo oh
(Oh oh oh)
CHORUS: (NASH E.)
Bakit di nalang ako ang ibigin mo
Para lang sayo gagawin ko
Bakit ‘di nalang ako
(Bakit ‘di nalang ako)
Bakit ‘di nalang
Ako ang ibigin mo para lang sayo
Gagawin ko oh
Bakit ‘di nalang ako
Bakit ‘di nalang tayo
Oh woah
Bakit ‘di nalang tayo