Huwag Nang Magsulat Ng Kanta

Lyrics: Davey Ryan Edward F. Langit Music: Davey Langit Maghanap na lang kaya ako ng ibang trabaho Buwanang sahod na sigurado 9 to 5 na empleyado, teller dun sa bangko May SSS, Pag-Ibig samu’t saring benepisyo Mag negosyo na lang kaya ako ng isda? Magbukas na lang panaderya? Wag nang magsulat ng kanta
Pag nagkaganun hindi ko na poproblemahin Ang Youtube hits o Spotify streams Di na mababahala kung hindi man ‘to kumita Di na mababalisa kung ang ticket di mabenta Mag aya sa show wala namang magsisipunta Iisang lamesa, nanay ko pa Wag nang magsulat ng kanta
Oh para bang wala namang napapala Ah, hanggang kailan ako magbabakasakaling Ako naman ang ‘yong pakinggan
Sabi nga ng tatay ko, maganda ‘to, gawin mo lang siyang hobby Wag mo nang masyadong career-in Tutal naman tapos ako, pwede ‘ko daw magamit Diploma, bio-data ko ipasa ko sa Jobstreet Kesa gastusan ko ang recording nito Hindi naman maganda ‘tong kantang ‘to Wag nang magsulat ng kanta Instrumental na may sipol!
Ba’t ba ako nagsusulat ng kanta? Oh, tinanggap ko na ang katotohanan na Ako’y pinanganak upang umawit, mag-gitara, mag-kwento Magsulat ng kanta
At akin ngang napagtanto sa modulation na ito Hindi ko kailangan ng ibang trabaho Alam ko na ito, mula nung bata pa ako Kahit mahirap, gagawin ko ‘to hanggang sa pagtanda ko Alam kong ‘di ako ang pinakamagaling Pero gagawin ko pa rin
Magsusulat ako ng kanta (Pasasaan ba) Magsusulat ng kanta (Tuloy tuloy lang) Magsusulat ng kanta (Woah-oh-oh) Magsusulat pa rin ako ng kanta