Lyrics: Aristole Pollisco Music: Aristole Pollisco Dati pa ay alam Kung san talaga Ang aking pwesto Pero dahil may hirap at tyaga Binigyang halaga
‘Di naman ito kusang binigay Madalas ay tikom pa nga ang mga kamay
Pero Dati pa ay alam ko na Kung san talaga
Medyo na kilala sa ilalim pero kabaliktaran sa ibabaw kung dinudumog man ako sa lupa sa himpapawid nilalangaw
patay gutom na nakikiagaw sa kung anong meron nilang inilatag ako man ang mauna sasakmalin na kagad bawal ang patumpik tumpik wag ka papadarag ito’y mundo ng mga walang patawad
wag ka papaawat hanggat naka lapat ang mga paa mo sa posisyon na kaya kang matahanin lagi mong tatandaan wag sanang mamasamain na kung wala kang bilang ay hindi ka titingalain
kahit na gaano galing sa tinagal tagal ko rito ay nangangapa parin kung susumahin susukatin halos buong kalahating buhay ko ay dito ko ginasta para tuparin
ang mga pangarap na sa kanila’y malabo pero sa ‘kin ay malinaw malayo na maglaho ang apoy sa mata at pag asa na di mo makikita sa iba na kahit pagkaitan pa ng tadhana ay di ako mapipigil bumira ng walang pakundangan sa tugmaan walang galang
Pinanganak para lang ibala sa pinakamalakas na kargada ka labitin tiyak na tatama asintado ang may hawak sandata manunulang dalubhasa na ulo ng asintada Estudyanteng nakatutok sa pisara batang hinubog ni mastah abangan na lang ang susunod na kabanata kung papaano tatagos ang mga makata lumaki sa pangangalaga ng kanta ni gloc-9
para dito para dito para dito para dito ang hero tandaan mong di pa tapos bawal na ang tirang kapos magaling ka ba boss makabasag tenga ka lang, kaya kong kalampagin mga diyos
napapatameme eh pag sa tapang ay may bumili kung narinig niyo na kong di takot magkamali pakinggan niyo ko ngayon kung pano magbabawe
di ko para ipagmalaki yung mga bagay na minsan ko ng kinahiya kasi labas sa usapan ang swerte nadoble nalugi ang mahalaga ay tumaya
at kinakaya ang mga hamon walang daya na na-iahon sa mga matataas na alon na lumamon sa pagkatao na lumalason kaya nagiging pilit sumaya
tangayin man ako ng agos papalayo o kahit pailalim tanging musika ang magiging rason para aking pabalik na languyin
hindi lang basura ang lumulutang sa dagat yan ang dapat mo na alamin yung iba nagmamatyag naghihintay at nakamasid na mga pating
na handang sumagpang abutin kahit sa pangpang lahat kayo magugulantang sa binansagang masangsang di na to para libang lang para to sa buong angkan sa mahaba na pila madaming nagpakabida hindi ako nainggit wala kong rason na manghina
di kailangan ng paminto para lamang gawin to walang pinagkaiba sa dati di nawala sa hiling ko na sana makatama
Balikan natin ang kwento na sabi nila ay inimbento Pinipilitpet ko
Pero bat nasa akin ang sentro Sige iseset ko Ilapag nyo na lahat ng bet nyo
Teka Sana ngayon ay maget nyo Di mo kailangan maging henyo Para makuha lamang ang premyo
Nabingi na sa mga hiling sa bituwin pabalikin ganon ka parin bang umukit ng disenyo
Pero i ain’t gon lie Di na ako yung makata na parang I ain’t gon die
Pag kumapit ng mikropono Totodo ko maloko to sisilanan lagi lahat ng Track on fire
Hindi kailangan high
Lalapatan pag tinawag at nilatag mo dito yan saking harapan
Parang dahon na tuyo nang dumikit Na abo yan Ako ang guro mo sa makabagong panitikan
Huwag masyadong galingan Pano ko pa madidikitan
Di na nga kita mahigitan Para kang ginilitan
Malayuan o malapitan Halimbawa ka na ng kalabisan
Kahit pa madamitan Di mo matago napako mabahot Malabo nang panulat mong dala
Sinabihan na kita Tapos Pinauna pa Pero di ka pa rin talaga marunong madala
‘Di na matatapos to Igapos mo Ang Agos koy walang kapatid patid Dagdagan ang galos ko Matalas to Ang Lapis ko na aking gamit gamit
Simula pa non Dumaan man ang panahon Lagi kang napapalingon Sino mang patapon Lahat ay napapatalon Hanggang sa umabot na don Sa saradong kahon