Lyrics: Issa Rodriguez
Music: Issa Rodriguez
Anong oras na naman?
Ilang araw na’ng nagdaan?
Bakit hindi mapagbigyan
Itong pusong sugatan?
Alam kong dapat tiisin
At hindi takot ang sundin
Pero bakit ganun pa rin?
Hinahanap ang salarin
Para bang nalimutang naghihilom din
Kung sakit ng sugat ay kakayaning tiisin
Gagaling din, hintayin mo lang
‘Wag bigyang-pansin, lungkot na naka-abang
Darating din, panibagong umaga
Na may dala-dalang panibagong simula
Na ‘di na papalipasin pang muli
Kailangang maintindihan
‘Di lang ako ang nasaktan
Pero hindi ‘to dahilan
Na ako lang ang pagbintangan
Para bang nalimutang natututo rin
Na ang pagkakamali nati’y ‘di uulitin
Gagaling din, hintayin mo lang
‘Wag bigyang-pansin, lungkot na naka-abang
Darating din, panibagong umaga
Na may dala-dalang panibagong simula
Na ‘di na papalipasin pang muli
Mga sundalo ma’y nagiging sugatan
Kahit pa mali ang pinaglalaban
Hinding-hindi matatakpan
Ang katapangan
Natututo na, at matututo pang
Harapin ang umaga na walang pangamba
Gagaling din, hintayin mo lang
‘Wag bigyang-pansin, lungkot na naka-abang
Darating din, panibagong umaga
Na may dala-dalang panibagong simula
Na ‘di na papalipasin pa
‘Di na papalipasin pa
‘Di na papalipasin pang muli