Di Na Magtatagal

Lyrics: Mark Moses Valdellon Music: Mark Moses Valdellon Nagmahalan, nagtampuhan Nagkasama sa kaligayahan Naglambingan, nagkasakitan Inalagaan at pinagtiwalaan
Habang tumatagal, tila nararamdaman Na wala rin tong patutunguhan Ilang taong naghintay nang kasagutan Pinaasa sa walang katiyakan
Pinangarap kong tayo hanggang wagas Minahal kita ng labis ngunit wala kang nagawa Pangako mo'y naglaho na Hindi na ako aasa na mabatid mo Nasasaktan ang aking puso Di na magtatagal Paalam na aking mahal
Nahirapan na magpaalam Kahit saglit mayakap ka't mahagkan Di man tayo ang magkatuluyan Hangad ko ang iyong kaligayan
Habang tumatagal aking nararamdaman Ang sakit na dulot ng paglisan Ilang taong ating pinagsamahan Ay hahantong rin sa hiwalayan