Lyrics: Zack Tabudlo/Prince Gamad/Chodri Pableo/Paul Nico Prestoza
Music: Zack Tabudlo/Prince Gamad/Chodri Pableo/Paul Nico Prestoza
Oh, yeah (Tao po)
Oh, yeah, yeah (Yeah, yeah)
Ako nga
Tita, ako nga pala
Nagpadala ng mga rosas sa inyo
Pangako po'y walang iba
Hindi niyo lang alam nahulog na ako
Tito, magmamano po
Pwede niyo pong ibigay tiwala niyo?
Butas man ang aking bulsa
Tunay namang mahal ko po siya
Yeah
Maraming nagkakandarapa
Sa kaibigan ko na 'yan pero ikaw napili niyang
Kapiling at alayan ng pag-ibig pati ng bulaklak
Gusto mo dumakdak mala-Jordan
At kapag humampas yan ay home run
Lulutuan ka ng torta kung magutom ka
Sasakay ka niya sa Porsche
Sa'n ka pupunta? Yeah
Kaya sagutin mo na kaibigan ko
Tapos pakilala mo sa'kin kaibigan mo
Kung alam mo lang dati hindi kami gan'to
Sana magustuhan ang kanta naming handog
Tita, ako nga pala
Nagpadala ng mga rosas sa inyo
Pangako po'y walang iba
Hindi niyo lang alam nahulog na ako
Tito, magmamano po
Pwede niyo pong ibigay tiwala niyo?
Butas man ang aking bulsa
Tunay namang mahal ko po siya
Wala tayong oras na sasayangin
Pagdating mo dun agad kang umamin ha
Sabayan mo ng matamis na bati
Magdamit ng maayos yung pang Valentines
Ewan ko lang kung may ma-say
Basta dala mo sarili mo't tsaka bouquet
'Yang palaisipang makuha siya will come your way
'Pag dumating sa pagsagot, lahat hep-hep hooray
Mag-ingat palagi, 'wag pairalin ang pag-aalala
Pagmamadali sa pagkainip at pangangamba
Mga bagay dapat maransan pa din maghimala
At kabagalan sa pag-ibig maipadama
Tita, ako nga pala
Nagpadala ng mga rosas sa inyo
Pangako po'y walang iba
Hindi niyo lang alam nahulog na ako
Tito, magmamano po
Pwede niyo pong ibigay tiwala niyo?
Butas man ang aking bulsa
Tunay namang mahal ko po siya
Mano po tito, tita
Nandiyan po ba ang minamahal kong senyorita?
Malinis intensyon ko, gusto kong makita
Niyo na tunay pagtingin ko sa inyong anak
Tapat ako't totoo
Kahit marami pang kalaban sa pag-ibig ko
Mayayaman man at merong mamahaling auto
Ako naman ay simpleng tao lang pero alam mo
Ang kayang ibigay ko lang ay buong puso ko
Nandito lang ako palagi
Laging merong oras sa'yo na ibibigay
Ganun ako katunay, handa 'kong patunayan
Sa harap ni tito at ni titang I'm the one
Tita, ako nga pala
Nagpadala ng mga rosas sa inyo
Pangako po'y walang iba
Hindi niyo lang alam nahulog na ako
Tito, magmamano po
Pwede niyo pong ibigay tiwala niyo?
Butas man ang aking bulsa
Tunay namang mahal ko po siya
Tunay, tunay na mahal (Tunay)
Tunay, tunay na mahal (Tunay)
Tunay, tunay na mahal (Tunay na mahal)
Tunay, tunay na mahal
Tunay, tunay na mahal (Tunay)
Tunay, tunay na mahal (Tunay)
Tunay, tunay na mahal
Tunay namang mahal ko po siya