Lyrics: Eivan Manansala
Music: Eivan Manansala
Nasaan ka na,
pwede bang umuwi ka na
pinagluto kita ng paborito mo
halika na magsalo na tayo hanggang sa mag umaga
‘Di man madaling kunin ugali mo
ngunit hayaan mo't patutunayan ko
Dahil pangako ko dadahan-dahanin ko ang lahat ng mga bagay na gusto mo
At di ko ipipilit ang mga ayaw mo
matututunan ko rin hanggang makabisado
Ikaw lang hanggang sa huli iibigin ko sa ‘king dapit-hapon
Sa t’wing ika’y may sumpong at naisip mo na ako ay awayin
pagbibigyan kita aking giliw
‘pag nagalit ka sa’kin,
maglalambing sayo at susuyuin hanggang sa mapangiti
ikaw ang tanglaw sa bituwing nagniningning
aking musikang kay sarap kung uulit-ulitin
At kung sa pagtanda mabura sa ‘king alaala
hawakan mo ang puso ko at muling madarama ang wagas na pagsinta
Dahil pangako ko dadahan-dahanin ko ang lahat ng mga bagay na gusto mo
At di ko ipipilit ang lahat ng ayaw mo
matututunan ko rin hanggang makabisado
Ikaw lang hanggang sa huli iibigin ko sa ‘king dapit-hapon
Sa ‘king dapit-hapon oh
Sa ‘king dapit-hapon