Lyrics: Julian Trono/Jaren Ladia
Music: Brian Lotho
Teka sandali lang
Baka pwede ‘wag ka munang umalis
Meron akong nakikitang
Kakaiba sa ‘yo
Nais kong malaman
Kung paano kita mapapangiti
Para kahit sandali lang
Makita ko (makita ko)
Ang kinang sa mga mata mong kumukutitap
Parang alapaap na nakalutang sa kalangitan
(Sa kalangitan)
Mga kilos mong ‘di ko malilimutan
Pwede ba kitang maisayaw sa ilalim ng buwan
(Magkayakap sa dilim)
Halika dito
Sandal ang ulo
Hingang malalim lang
Pikit ang mata
Ako ang bahala
Sa iyong katawan
Madilim ang paligid
Ang tanging ilaw ay ang mga bituin
Ngayon nandito tayo
Magkayakap sa dilim
(Yakap, yakap)
Yakap sa dilim
(Yakap, yakap)
Ngayon nadito tayo
Magkayakap sa dilim
Teka sandali lang
Baka pwedeng ‘wag ka munang umuwi
‘Di ko pa kayang bitawan
Ang hawak ko sa ‘yo
May gusto akong aminin
Pero ‘wag mo sanang masamain
Ang gusto ko lang sabihin
Nasa iyo na
Ang liwanag na bumabalot sa ‘king isipan
Kahit tulog ay napapanaginipan
Ka't pinagmamasdan (pinagmamasdan)
Sa tingin mo pa lang ay ‘di ko na mapigilan
Pwede ka na bang maisayaw sa ilalim na buwan
(Sa ilalim ng buwan)
Halika dito
Sandal ang ulo
Hingang malalim lang
Pikit ang mata
Ako ang bahala
Sa iyong katawan
Madalim ang paligid
Ang tanging ilaw ay ang mga bituin
Ngayon nandito tayo
(Magkayakap sa dilim)
(Yakap, yakap)
Yakap sa dilim
(Yakap, yakap)
Ngayon nandito tayo
Magkayakap sa dilim
Ikaw ang unan ko't
Habang buhay kitang kukumutan
Sa ‘ting pagtulog nang mahimbing ay magkayakap pa rin
Ang tunay kong pakay
Kung bakit nais kong maramdaman
Ang init ng ‘yong katawan
Nang malaman mo kung pa’no kita laging aalagaan
Halika dito
Sandal ang ulo
Hingang malalim lang
Pikit ang mata
Ako ang bahala
Sa iyong katawan
Madalim ang paligid
Ang tanging ilaw ay ang mga bituin
Ngayon nandito tayo
(Magkayakap sa dilim)
(Yakap sa dilim)
(Yakap, yakap)
Yakap sa dilim
(Yakap ka)
(Yakap, yakap)
Ngayon nandito tayo
Magkayakap sa dilim